Ogie D sa umano'y pag-vape ni Kathryn: "Normal 'yun, bakit ginagawang big deal?"

Ogie D sa umano'y pag-vape ni Kathryn: "Normal 'yun, bakit ginagawang big deal?"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz si Kathryn Bernardo na nakunan ng video na umano'y nagvi-vape

- Ani Ogie wala umanong masama sa ginagawa ng aktres na nasa wastong edad naman umano

- Tila marami lang ang bumatikos subalit normal lang umano ang ginagawa na iyon ni Kathryn

- Matatandaang si Kathryn ay nagsimula bilang isang child star na tila nakatatak pa rin sa isip ng mga tao ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang aktres na si Kathryn Bernardo na nakunan umano ng isang netizen na gumagamit ng vape.

Ogie D sa umano'y pag-vape ni Kathryn: "Normal 'yun, bakit ginagawang big deal?"
Ogie D sa umano'y pag-vape ni Kathryn: "Normal 'yun, bakit ginagawang big deal?"
Source: Instagram

Sa kumakalat na video, makikitang tila nagpapahinga si Kathryn nang biglang may mahulog sa likod ng kanyang bulsa.

Inakala pa ng kumukuha ng video na flash drive ito subalit isa pala umano itong vape o iyong tinatawag din na e-cigarette.

Read also

Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"

Tila inalmahan ito ng marami at kinikwestyon ang aktres kung bakit ito gumagamit vape.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit wala umanong nakikitang mali si Ogie Diaz sa naturang video.

"Normal 'yun. Bakit ginagawang big deal?" ani Ogie. Dagdag naman ni Mama Loi, tila hindi pa nakakamove-on ang marami sa pagiging child star noon ni Kathryn. Kaya naman nababahala sila na gumagamit 'di umano si Kathryn ng vape.

"Parang me time ni Kathryn 'yun kinunan niya," dagdag pa ni Ogie. Maaring pribadong oras sana iyon ni Kathryn subalit nakunang ng video ng isang netizen.

Maari rin naman umanong sinasadya o hinahayaan na ni Kathryn na makita siya ng publiko na gumagamit nito dahil ayon nga sa naunang pahayag ni Ogie, hindi naman big deal dapat ang paggamit ng vape.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Pura Luka Vega, tuluyan nang kinasuhan dahil sa kontrobersyal na 'Ama Namin' performance

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Minsan na niyang napuri si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padill naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Sa tagal ng relasyon ng dalawa, umaasa ang marami na sa kasalan na ito mauwi. Lalo na nang masalo ni Daniel ang garter sa reception ng isang kasalan at isinuot naman niya ito kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel