Panayam kay Andrea Brillantes tungkol sa kondisyon niya "anosmia", muling lumitaw

Panayam kay Andrea Brillantes tungkol sa kondisyon niya "anosmia", muling lumitaw

- Hot topic pa rin si Andrea Brillantes matapos ang kanyang trending YouTube video sa YouTube channel ni Vice Ganda

- Kabilang sa muling binalikan ng netizens ay ang panayam ni Karen Davila sa kanya kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ni Andrea ng congenital anosmia

- Ito ay ang kondisyon kung saan walang pang-amoy ang isang tao

- Kasunod ito ng kanyang kontrobersiyal na pahayag tungkol sa ex na aniya ay isang taong hindi nagpapa-laundry

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapang muli si Andrea Brillantes matapos muling balikan ng netizens ang panayam ni Karen Davila sa kanya kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon niya ng congenital anosmia. Ito ay ang kondisyon kung saan walang pang-amoy ang isang tao.

Panayam kay Andrea Brillantes tungkol sa kondisyon niya "anosmia", muling lumitaw
Panayam kay Andrea Brillantes tungkol sa kondisyon niya "anosmia", muling lumitaw (@blythe)
Source: Instagram

Sa naturang panayam ni Karen ay nabanggit niya na saka lamang niya nalamang wala pala siyang pang-amoy ay nang biruin siya ng kanyang daddy sa pamamagitan ng pag-utot umano sa mukha niya. Wala daw talaga siyang reaksiyon dahil wala siyang naaamoy.

Read also

Sabrina M, nagpost tungkol sa kaibigang naninira kapag nakakatampuhan

Maging sa mga pabango ng ate niya ay wala daw siyang naamoy kaya nila nalaman ang tungkol sa kanyang kondisyon.

Kasunod ito ng kanyang kontrobersiyal na pahayag tungkol sa ex na aniya ay isang taong hindi nagpapa-laundry. Hanggang sa kasalukuyan ay top 1 trending YouTube video pa rin ang video nila ni Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Maggie Wilson sa mga komento sa kanya: "Props to all of you for memorising the script"

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate