Maggie Wilson sa mga komento sa kanya: "Props to all of you for memorising the script"
- Nag-post si Maggie Wilson ng kanyang sagot sa mga komento sa kanya kaugnay sa kanyang IG story kamakailan tungkol sa ACASA Manila
- Karamihan sa mga nag-post ay sinasabing si Maggie daw ang nang-scam
- Sa kanyang post, sinabi ni Maggie na hindi na bago sa kanya na tawagin nang kung-ano-ano lalo at matagal na siya sa industriya
- Nabanggit niya rin na pare-parehas ang script ng mga taong ito na may sinasabi laban sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si Maggie Wilson ng kanyang saloobin kaugnay sa viral na videos patungkol sa kanya kung saan sinasabing nang-scam daw siya. Ani Maggie, hindi na bago sa kanya ang paninira lalo at matagal na siya sa industriya.
Ani Maggie, wala nang bago sa mga sinasabi sa kanya na panghuhusga at pang-iintriga.
I’ve been in the industry long enough to have been called every name in the book. Nothing new.
Aniya, halatang nag-usap-usap ang mga ito dahil iisa lang ang kanilang script at consistent. Aniya, halatang-halata sa kanilang ginamit na hashtags na pinlano nila ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
On that note: It’s pretty obvious that you guys did a “story” con. Props to all of you for memorising the script, it’s pretty consistent. Although, one of you spelt my name wrong. It’s MAGGIE and not MAJIE. The hashtags and “sponsored” tag for the campaign really gave it away. Try better next time.
Dagdag pa niya, alam niyang distraction lang ito.
Matatandaang kamakailan ay nabanggit ni Maggie ang tungkol sa pagkakawala ng pera nila sa kanyang kompanyang Acasa Manila. Kaugnay dito ay humingi ng dispensa si Maggie at nagsabing makipag-ugnayan sa kanila ang mga taong umorder na nagbayad na at hindi pa natatanggap ang kanilang order.
Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.
Kamakailan ay ni-repost ni Maggie ang naging reaksiyon ni Tim Connor matapos mag-post ni Rachel Carrasco ng picture nila ni Victor Consunji. Binahagi din ni Maggie ang public document ng kaso na isinampa laban sa kanya. Sa IG story ni Tim ay ibinahagi niya ang saloobin kaugnay sa pagsampa sa kanila ng kaso ni Victor ng adultery. Matatandaang si Tim ang naiuugnay sa kasalukuyan kay Maggie sa gitna ng isyu na kinakaharap nito.
Minabuti ni Maggie na linawin na walang nagbago sa kanyang kalagayan sa kabila ng mga post ng kanyang dating asawa. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maggie ang screenshot ng isang news article na nagsasabing umaasa ang ilang netizens na ang pag-post ng dating asawa niya ay maging simula ng pagtatapos ng kanilang hidwaan. Ani Maggie, hindi pa rin annulled ang kanilang kasal, hindi pa rin sila nag-uusap, may kaso pa rin siya at nakakatanggap ng mga demand letters araw-araw. Nabanggit niya rin na pinagkakait pa rin sa kanya na makita niya ang kanilang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh