Andrea Brillantes, walang balak magsauli o magbawi ng mga regalo nila ng ex sa isa't-isa

Andrea Brillantes, walang balak magsauli o magbawi ng mga regalo nila ng ex sa isa't-isa

- Ayon kay Andrea Brillantes, balak niyang isanla ang isa sa iniregalo sa kanya ng kanyang ex

- Aniya, ito ay dahil sa tingin niya ay hindi na niya nakikitang gagamitin niya pa ito at nagkapera pa siya

- Naitanong naman ni Vice Ganda sa kanya kung wala daw ba siyang balak na bawiin ang mga bagay na kanyang binigay

- Ani Andrea, kapag binawi niya ang mga binigay niya ay walang matitirang gamit sa condo ng ex niya na hindi na niya pinangalanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Andrea Brillantes sa vlog ni Vice Ganda na balak niyang isangla ang isa sa mga bagay na iniregalo sa kanya ng kanyang ex. Wala din daw siyang balak na bawiin ang kanyang mga iniregalo dahil aniya ay kapag binawi niya ang mga binigay niya ay walang matitirang gamit sa condo ng ex niya na hindi na niya pinangalanan.

Read also

Andrea Brillantes, umalma sa mga komento sa kanyang date or pass vlog

Andrea Brillantes, walang balak magsauli o magbawi ng mga regalo nila ng ex sa isa't-isa
Andrea Brillantes, walang balak magsauli o magbawi ng mga regalo nila ng ex sa isa't-isa (@blythe)
Source: Instagram

Ani Andrea, may mga regalo naman na binigay sa kanya na kahit hiwalay na sila ng nagbigay ay hindi niya pinapakawalan lalo at kung gusto talaga niya ito.

Dagdag pa niya, imbes na ibalik ay isanla na lang niya at magkakapera pa siya pang shopping dahil aniya ay maaring ibibigay lang din naman nito sa iba ang regalo pag binalik niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate