Geraldine Roman kay Pura Luka Vega: "What If, I parody your mom how would you feel?"
- Nagbigay ng pahayag si Bataan representative Geraldine Roman ukol sa kontrobersyal na drag performance ni Pura Luka Vega
- Bilang kapwa miyembro ng LGBT community, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na nasasabi at nagagawa nito
- Sa panayam ng The Source ni Pinky Webb, nabanggit ni Pura ang pag-aalala niya sa inang labis na naapektuhan na rin sa mga nangyayari
- Kaya naman natanong ni Rep. Geraldine kung ano ang mararamdaman ni Pura kung ang larawan ng kanyang ina ang gawan ng hindi kaaya-ayang bagay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Maging si Bataan Representative Geraldine Roman ukol sa kontrobersyal na 'Ama Namin' drag performance ni Pura Luka Vega.
Sa panayam ni Pinky Webb kay Rep. Roman, naglabas ito ng saloobin ukol sa pagtatanghal ni Pura gayundin sa naging pahayag nitong nag-aalala na raw siya sa kalagayan ng ina na apektado na rin sa mga nangyayari.
"Well Pura, mahal din ng mga Katoliko si Jesus Christ. What If, I got pictures of your mom. I tampered with them, I parody your mom? Or your family for that matter? How would you feel? Matutuwa ka ba? Basic human psychology yan Pura. And as an artist, hindi naman pwedeng meron kang free license na make parody of everyone and anything that you know, to address your personal issues."
Dapat ding isaisip ni Pura na dahil karamihan ng mga Pilipino ay Katoliko, inaasahan na talaga dapat nito ang hindi kagandahang reaksyon sa kanyang nagawa.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"We should be aware that there is a constitutional right to self expression bu that is not absolute. And as responsible citizens we should know that all of our actions have consequences. Ako naman e nagugulat ako bakit si Pura hindi niya daw inaasahan tong reaction from society from the Philippines where a large number of citizens are catholics."
"I find that attitude very selfish, irresponsible at saka inconsiderate," dagdag pa ni Rep. Roman.
Isa pa umanong paalala nito kay Pura na huwag idadahilan ang pagiging miyembro ng LGBT community na madalas na madamay ang buong komunidad dahil lamang sa nagawa ng isa.
"And I hate to say this ah, Pura please do not use the gender card again. Because your giving the community a bad name. Sa totoo lang. this is simply a case of disrespect for the religious feeling s of other people. Ang masama dito, magkamali ang isang member ng community lalahatin na"
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa The Source ng CNN Philippines:
Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ni Hesukristo.
Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.
Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh