Chito Miranda, aminadong hanga kay Stell ng SB19: "Galing nito"

Chito Miranda, aminadong hanga kay Stell ng SB19: "Galing nito"

- Aminado si Chito Miranda na hanga siya kay Stell ng grupong SB19

- Nagulat umano siya na ang grupo mismo nina Stell ang nagsusulat ng sarili nilang kanta

- Gayundin ang pinakikita nitong work ethics gayung limang taon pa lamang ang SB19

- Si Stell ay kapwa coach ni Chito sa 'The Voice Generations' na mapapanood sa GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang napuri ni Chito Miranda si Stell ng SB19 sa maraming aspeto ng pagiging isang artist nito.

Chito Miranda, aminadong hanga kay Stell kay SB19: "Galing nito"
Stell (@stell_16)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, inilahad ni Chito ang mga bagay na natuklasan niya sa kapwa The Voice Generations coach na labis umano niyang hinangaan.

"He's such a revelation for me kasi (I only) ang pagkakakilala ko lang kay Stell is one pf the members of SB19. I am familiar with SB19. I'm sobrang fan ng work nila. Pero as individuals, I didn't know them. Tapos nung na-meet ko si Stell, he was just the guy from SB19 and never naman kaming nag-talk and as we get to hangout, pictorials and everything...Everything he does is so entertaining and everything that says is so humble and may wisdom na pambata. Alam mo 'yung hindi nagmamarunong."

Read also

Lolit Solis, concerned sa maselang pagbubuntis ng misis ni Alfred Vargas

Isa rin umano sa nagpabilib sa kanya kay Stell ay ang pananaw nila sa grupo kahit limang taon pa lang magkakasama ang SB19.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung sino 'yung weak, the other guys need to be strong. Sobrang ganda nun di ba. So with your bandmates, amy limitation siya I need to be strong for you on that part... kumbaga sapuan instead of everybody tries to cheap in as a team instead of trying to standout"
"Nothing against sa performers at singers na hindi kasama sa creative side and they just perform, nothing against them. I Respect them. Pero natuwa lang ako kasi I've been following 'yung mga KPop groups na manufactured talaga. Meaning there's a team behind them and they just presented with songs and they just perform. Ta's nung nag-uusap kami, sila pala mismo yung creative side. Kumbaga they have artistic inputs on what they're doing."

Read also

Paolo Contis, sa mga anak: "I will never ever enter their lives para manggulo"

"'Pag pinapanood ko 'yung mga music videos nila and songs, I could not, I could never come up as brilliant as what they're... ginagawa nilang songs e. Galing nito"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Bunda GMA Network:

Si Chito Miranda ang vocalist/frontman ng bandang Ang Parokya ni Edgar na isa sa mga kinikilalang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Sumikat sila sa kanilang mga novelty rock songs na magpa-hanggang ngayon ay kinakanta at tinatangkilik ng makabagong henerasyon. Bago pa man maging judge sa The Voice Generations, Si Chito Miranda ay naging judge na rin ng Idol Philippines Season 2.

Matatandaang si Chito rin ang nagkumpirma ng kalagayan ng kanilang kabandang si Gab Chee Kee na ngayon ay patuloy pa rin na nagpapagaling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica