Luis Manzano, sa manliligaw sa anak: "Kilalanin niyo ang kamao ng mga Manzano"

Luis Manzano, sa manliligaw sa anak: "Kilalanin niyo ang kamao ng mga Manzano"

- Kinaaliwan ang mag-amang Luis at Edu Manzano sa kanilang hirit para sa anila'y nagbabalak na manligaw sa anak ni Luis na si Isabella

- Sa isang video clip na binahagi ni Luis sa Instagram pabirong nagbabala ang mag-ama

- Ani Luis, kumakatok pa lang ang manliligaw ni Rosie sa pintuan nila ay dinidibdiban na daw niya ito

- Hirit pa niya, kilalanin ng mga ito ang kamao ng mga Manzano at sabay pa sila ni Edu na nagpakita ng kanilang kamao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-amang Luis at Edu Manzano sa kanilang pabirong pagbanta sa mga anila ay balak manligaw kay Rosie. Ani Luis, kumakatok pa lang sa pintuan ang manliligaw ng anak ay didibdiban niya daw ito agad.

Luis Manzano, sa manliligaw sa anak: "Kilalanin niyo ang kamao ng mga Manzano"
Luis Manzano, sa manliligaw sa anak: "Kilalanin niyo ang kamao ng mga Manzano" (@luckymanzano)
Source: Instagram

Sa video clip na binahagi ni Luis ay kasama niya ang kanyang daddy na si Edu. Magbabantay daw sila sa mga magbabalak manligaw kay Rosie.

Read also

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

Walang mangliligaw sa anak ko. Kumakatok ka palang sa pintuan namin dinidibdiban na kita.

Dagdag naman ni Edu, sila daw ang nag-imbento ng salitang tapang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate