Vice Ganda kay Vhong Navarro matapos masira ang box niya sa Rampanalo: "Winasak mo na naman"
- Nasira ni Vhong Navarro ang kanyang box sa segment ng 'It's Showtime' na "Rampanalo"
- Napalakas ang paghampas ni Vhong nang buksan niya kaya natanggal ang cover ng box
- Natawa na lang ang kanilang mga kasamahan sa noontime show dahil sa nangyari
- Matatandaang kamakailan ay hindi sinasadyang nabuksan din ang kanyang box matapos niyang mahampas ang box habang nagsasayaw
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napalakas ang paghampas ni Vhong Navarro sa box na kanyang hawak sa segment ng It's Showtime na "Rampanalo." Matatandaang kamakailan ay hindi sinasadyang nabuksan din ang kanyang box matapos niyang mahampas ang box habang nagsasayaw.
Bago pa man pabuksan ni Vice ang kanyang box ay nabanggit pa ni Vice ang unang nangyari na hindi sinadyang nabuksan ang kanyang box.
Natanggal at nahulog ang cover ng kanyang box at natawa na lang ang kanyang mga kasamahan kabilang na si Vice na naglitanya dahil sa aniya ay madaming galaw si Vhong.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Source: KAMI.com.gh