Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, namataang magkasama sa gitna ng breakup issue

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, namataang magkasama sa gitna ng breakup issue

- Namataang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nag-eenjoy na nagsasayaw

- Ito ay sa gitna ng mga haka-haka na nag-break na silang dalawa matapos lumabas ang isyu kung saan nadawit din ang pangalan ni Andrea Brillantes

- Kamakailan ay nakita ding magkasama sina Daniel at Kathryn sa isang event

- Marami naman sa mga fans ng KathNiel ang natuwa na makitang masaya at magkasama pa rin silang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Namataang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa gitna ng alegasyong break na sila. Sa naturang video ay makikitang masayang nagsasayaw ang dalawa.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, namataang magkasama sa gitna ng breakup issue
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, namataang magkasama sa gitna ng breakup issue (@bernardokath)
Source: Instagram

Marami naman sa kanilang mga fans ang natuwa na sa kabila ng lumabas na mga usap-usapan ay magkasama at nag-eenjoy ang dalawa na maituturing na isa sa pinakasikat na love team sa kasalukuyan.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Matatandaang lumabas ang isyu kung saan nadawit din ang pangalan ni Andrea Brillantes.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I’m so happy to see you both.Oh satisfied nba ang lahat?
Happy to see you both my love birds❤️❤️ stay strong
Haistt thanks God nakita ko n din cla magkasama Makakatulog na ako nang mahimbing

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Melai Cantiveros, binahagi ang nakakaaliw na pag-uusap nina Mela at Jason

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate