Sharlene San Pedro at Dagul, inalala ang kanilang Goin' Bulilit jokes
- Nag-guest si Sharlene San Pedro sa YouTube show ni Dagul kung saan kasama niya ang anak niya
- Sa pag-uusap nila ay binalikan nila ang kanilang karanasan sa Goin' Bulilit na anila ay na-miss nila
- Ginawa ding muli nina Sharlene at Dagul ang ilan sa kanilang mga gags sa naturang gag show
- Ayon kay Dagul, kada linggo raw ay iba't-ibang Goin' Bulilit cast ang kanyang makakasama sa kanyang show
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan sina Sharlene San Pedro at Dagul sa kanilang muling pagsasama sa YouTube show ni Dagul. Ginawang muli nina Sharlene at Dagul ang ilan sa kanilang mga gags sa Goin' Bulilit.
Ayon kay Sharlene, na-miss niya ang kanilang Goin' Bulilit days at lagi daw siyang na-papartner noon kay Dagul sa mga gags na kanilang ginagawa. Ayon kay Dagul, kada linggo raw ay iba't-ibang Goin' Bulilit cast ang kanyang makakasama sa kanyang show.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga viewers:
Iba talaga ang Sharlene San Pedro, doon lang tayo sa totoo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Miss ko tuloy ang going bulilit. Napa subscribe 2loy ako.
Mý fave star of going bulilit. Hi Sir Dagul. Na miss po kita mapanood sa screen.
Si Sharlene Santos San Pedro o mas kilala sa kanyang screen name na Sharlene San Pedro ay isang Filipino actress, singer at VJ. Una siyang napanood sa telebisyon sa edad na apat na taon nang sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004 kung saan nakuha niya ang 2nd place.
Nakapagtapos na ng kolehiyo si Sharlene noong 2022. Ibinahagi ni Sharlene sa kanyang mga social media account ang kanyang tagumpay. Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang kapwa artista at ng mga netizens si Sharlene. Si Sharlene ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology.
Kamakailan ay naibahagi ni Sharlene sa kanyang followers ang kanyang achievement. Ito ay ang pagbili niya ng bagong sasakyan na kanyang pinag-ipunan. Pinakita niya sa kanyang post ang ilang picture ng kanyang bagong sasakyan. Ilan sa kanyang mga kaibigan kagaya nina Barbie Imperial, Miles Ocampo, at Loisa Andalio ay nag-react sa kanyang achievement.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh