Vice Ganda, inalala nang una siyang naging Kapuso: "'Nung nagsi-SIS ako, ang saya 'nun"
- Inalala ni Vice Ganda ang unang pagkakataon na naging isa siyang Kapuso
- Ito ay sa programang 'SIS' kung saan masaya umano siyang nakasama sina Gelli De Belen, Janice De Belen at Carmina Villaroel
- Gayundin ang Sunday show na 'SOP' kung saan nakasama pa niya sa ilang production number si Regine Velasquez
- Ngayon, labis ang pasasalamat ni Vice sa pagtanggap sa kanila ng GMA para maipalabas sa GTV ang 'It's Showtime'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Masayang inalala ni Vice Ganda ang pagkakataong una siyang naging Kapuso. Isa ito sa naitanong sa kanya sa programa niya 'Updated With Nelson Canlas.'
Nalaman ng KAMI na agad na naalala ni Vice ang programang SIS kung saan siya naging bahagi.
"Nung nagsi-SIS ako, ang saya nun kasi masaya yung mga kasama ko, ang babait nina Janice, ni Carmina saka ni Gelli, saka yung staff dun mababait," ani Vice.
Subalit ang pinakapaborito niya ay nang maging bahagi rin siya ng SOP kung saan nakakasama pa niya sa ilang production number si Regine Velasquez.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"'Yung ilan dun naging kaibigan ko, Pinaka-favorite ko talaga pag naggi-guest ako sa SOP. Kasi most of the time pag nasa SOP ako, si Regine ang kasama ko sa number. Alam mo namang patron saint ko si Regine 'di ba?" ani Vice kung saan nakakasama rin niya ang impersonator ni Regine na si Anton Diva.
Kaya naman sa kanyang pagbabalik GMA, labis-labis din ang pasasalamat niya sa pagtanggap sa kanilang programa, ang It's Showtime.
Narito ang kabuuan ng talakayan mula sa GMA Integrated News YouTube channel:
Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.6 million subscribers.
Nito lamang Hunyo 28, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh