Andi Eigenmann, kinaaliwan sa kanyang binahaging bagong vlog
- Pinasilip ni Andi Eigenmann ang kanilang pagluluto ng puso ng saging kasama ang ilang kasamahan nila sa surf club
- Mismong si Andi ang umakyat para kumuha ng puso ng saging at siya din ang naglinis nito
- Nagluto siya ng ginataang puso ng saging habang ang ibang kasamahan ay nagluto ng isda
- Marami ang muling bumilib sa pagiging simple ni Andi at sa husay nitong makisama
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan si Andi Eigenmann sa kanyang bagong vlog kung saan pinakita niya ang kanilang pagluluto. Marami ang muling bumilib sa pagiging simple ni Andi at sa husay nitong makisama sa mga taong kanyang nakakasama.
Sa kanyang vlog ay hindi niya kasama si Philmar. Gayunpaman, tinulungan siya ng ilang kasamahan nila sa surf club. Mismong si Andi ang umakyat sa hagdan para pitasin ang puso ng saging.
Dahil hindi pa niya alam kung ano ang kanyang gagawin, sinusunod lamang niya ang sinasabi sa kanya ng kanyang mga kasama.
Makikita din sa kanyang vlog kung paano maglaro ang kanyang mga anak sa kanilang lutu-lutuan gamit ang mga halaman.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sama-sama nilang pinagsaluhan ang mga niluto na pagkain nila Andi kagaya ng ginataang puso ng saging at isda.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak sya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh