Joey de Leon, tinawag si Pauleen Luna na 'buntis' sa live streaming ng E.A.T.

Joey de Leon, tinawag si Pauleen Luna na 'buntis' sa live streaming ng E.A.T.

- Tinawag ni Joey de Leon si Pauleen Luna na buntis habang kinakanta nila ang awiting Rock Baby Rock sa kanilang show

- Sa unang araw ng kanilang pagpapalabas sa TV5 ay nakasama maging si Pauleen Luna at iba pang kapamilya ng mga TV hosts

- Hindi nakaligtas sa mga manonood ang pagtawag ni Joey kay Pauleen ng 'hoy, buntis'

- Matapos nito ay pasimpleng lumapit si Pauleen kay Joey at tila may binulong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Pauleen Luna matapos ang tila pagka-dulas ni Joey de Leon nang tawagin niya itong buntis habang nasa live streaming ng kanilang show. Habang kinakanta nila ang awiting Rock Baby Rock ay isa-isang sumali sa entablado ang mga pamilya ng hosts kabilang na si Pauleen na nasa audience nakaupo.

Read also

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

Joey de Leon, tinawag si Pauleen Luna na 'buntis' sa live streaming ng E.A.T.
Joey de Leon, tinawag si Pauleen Luna na 'buntis' sa live streaming ng E.A.T. (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Hindi nakaligtas sa mga manonood ang pagtawag ni Joey kay Pauleen ng 'hoy, buntis.' Maging sa Twitter ay marami ang naghayag ng kanilang kasiyahan nkung sakali mang totoo ang balita.

Matapos sambitin ni Joey ang 'buntis', lumapit si Pauleen sa kanya at tila may binulong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Kinaaliwan ang ibinahagi ni Pauleen na masayang kulitan nila kasama ang anak na si Tali at asawang si Vic. Nakipaglaro ang mag-asawa sa anak nila sa isang inflatable kiddie pool na mayroong slide. Hindi naman maitago sa mukha ng kanilang anak na makasama ang kanyang mommy at daddy. Marami sa mga netizens ang naaliw sa masayang bonding moment ng pamilya ni Bossing Vic.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel