Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko"

Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko"

- First time lang daw ni Herlene Nicole Budol na magkaroon ng napakaraming bashers matapos ang kanyang kontrobersiyal na Q&A performance kamakailan

- Ani Herlene, naapektuhan siya ng husto sa mga bashing sa kanya na umabot sa puntong binura niya ang mga apps niya sa kanyang cellphone

- Hindi din daw siya nakakain nang dalawang araw dahil sa mga dinanas na pambabatikos

- Gayunpaman, pinasalamatan niya ang mga bashers niya dahil marami daw siyang inayos sa buhay niya dahil sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Herlene Nicole Budol ang kanyang bashers dahil sa aniya'y mga natutunan niya dahil sa mga ito. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, inamin ni Herlene na sobra siyang naapektuhan.

Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko"
Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Dahil daw sa lala ng pambabatikos sa kanya, sumagi sa kanyang isipan na mag back-out na lang sa Miss Grand Philippines 2023. Umabot daw sa puntong hindi na siya nakakain nang dalawang araw. Naapektuhan ang kanyang mental health sa mga bashers.

Read also

Awra Briguela may bagong cryptic post: "Grabeh tigas ng pes"

Aniya, first time lang daw niyang magkaroon ng napakaraming bashers matapos ang kanyang kontrobersiyal na Q&A performance kamakailan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate