It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network

It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network

- Hindi napigilan ng ilang It's Showtime hosts ang kanilang emosyon sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network nitong hapon

- Kabilang sina Anne Curtis at Kim Chiu sa nahagip ng camera na maluha-luha

- Kaya naman, pabirong tinanong ni Iya Villania si Anne kung kaya pa daw ba nito

- Abot-abot naman ang pasasalamat ng mga hosts ng It's Showtime hindi lamang sa mga GMA executives kundi maging sa ABS-CBN bosses na lagi silang pinaglalaban

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang sina Anne Curtis at Kim Chiu sa nahagip ng camera na maluha-luha habang nasa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network. Nitong hapon lang ay pormal nang nagkapirmahan ang dalawang dating magkatunggali para sa pagpapalabas ng It's Showtime sa GTV.

It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network
It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network (@itsshowtimena)
Source: Instagram

Maging sina Iya Villania at Robi Domingo na naging host ng naturang event ay masayang-masaya dahil hindi nila inasahan na darating ang panahong magkakasama ang mga artista mula sa dalawang higateng TV network.

Read also

Vice Ganda, sa GTV: "I'm just very hopeful, very grateful and very excited"

Pabirong tinanong ni Iya Villania si Anne kung kaya pa daw ba nito matapos niya makitang naiiyak ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa It's Showtime sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Sa kanyang vlog ay kinuwento niya ang pangyayari nitong mga nakaraang araw nang malaman niya ang tungkol sa posibilidad na mawala na sila sa 12 noon timeslot ng TV5. Tahasan namang sinabi ni Vice Ganda na wala siyang sama ng loob sa TV5. Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng TV5 pero aniya ay hindi pwedeng mawala ang pasasalamat niya at ng kanyang mga kasamahan sa TV5 sa itinulong nito sa kanila.

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate