Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo

Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo

- Ibinida ni Toni Fowler ang convo nila ng biological father ng anak niyang si Tyronia Fowler

- Makikita sa kanilang pag-uusap ang pagtatanong nito ng bank account ni Toni para maipadala na niya ang sustento nito para sa anak niya

- Naka-tag naman ang kanyang anak na si Tyronia at sinabi niyang mahal siya ng tatay niya

- Matatandaang sa isa sa kanyang mga huling vlog ay inamin ni Tyronia na masama ang kanyang loob matapos umalis ang tatay niya kasama ang kanyang bagong pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Toni Fowler ang ama ng anak niyang si Tyronia Fowler. Sa post ay binahagi niya ang convo nila ni Elon Manalo tungkol sa pagbibigay nito ng sustento.

Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo
Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Naka-tag din ang anak niyang si Tyronia. Pinaabot ni Toni sa anak na mahalaga siya sa kanyang ama at mahal siya nito.

Read also

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

Matatandaang sa isa sa kanyang mga huling vlog ay inamin ni Tyronia na masama ang kanyang loob matapos umalis ang tatay niya kasama ang kanyang bagong pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate