Heart Evangelista, nagbahagi ng bagong "What's In My Bag" vlog

Heart Evangelista, nagbahagi ng bagong "What's In My Bag" vlog

-Pinagbigyan ni Heart Evangelista ang kanyang mga fans na nanghihingi ng updated na What's In My Bag video

- Sa kanyang bagong video na binahagi sa YouTube ay makikita ang isang malaking Louis Vuitton na bag

- Sa laman nito ay kompleto ang kanyang mga gamit na mahalaga sa kanyang trabaho kagaya ng mga makeup niya at mga planner

- Ani Heart, mahalagang kompleto ang kanyang dalang makeup dahil siya lang daw ang naglalagay ng kanyang make up sa kasalukuyan na itinuturing niyang therapeutic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Heart Evangelista sa isang vlog ang laman ng kanyang bag tuwing pumupunta siya sa mga fashion events sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanyang panibagong vlog. Para sa kanya, therapeutic ang pagme-make up lalo at siya na lang daw ang gumagawa ng kanyang sariling makeup sa kasalukuyan.

Heart Evangelista, nagbahagi ng bagong "What's In My Bag" vlog
Heart Evangelista, nagbahagi ng bagong "What's In My Bag" vlog (@iamhearte)
Source: Instagram

Makikita din sa loob ng kanyang

Heart Evangelista sa nagsabing mukhang body guard niya si Chiz: "Well he's that too"
Heart Evangelista sa nagsabing mukhang body guard niya si Chiz: "Well he's that too"
Source: Instagram
Louis Vuitton na bag ay ang mga mahahalagang bagay para sa kanya na nakalagay sa mga pouch.

Narito ang ilang komento ng netizens:

So much classy, elegant, and an icon. Pero hindi nanghahamak ng ibang tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Making your pets wear designer is ome thing but letting them chew them is next level.
Naloka ako ang dami laman ng bag mo, Heart! Madami ako nakuha na idea na need to ne in my bag too! More vlogs please. We miss yah!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate