Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"

Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"

- Natanong si Ice Seguerra ukol umano sa mga nangyayaring kontrobersiya sa noontime show na 'Eat Bulaga' kung saan siya nakilala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, nananatili siyang loyal sa mga itinuturing niyang ikalawang ama na sina Tito, Vic at Joey

- Katunayan, hindi umano siya tumatanggap ng alok na guestings sa anumang palabas na katapat ng Eat Bulaga

- Malaking bahagi rin daw ng kung anuman ang narating na ngayon ni Ice ay dahil sa TVJ

Bilang isa sa mga kilalang personalidad sa entertainment scene sa Pilipinas na produkto ng Eat Bulaga, natanong si Ice Seguerra kung ano ang masasabi niya sa mga nangyari at patuloy na nangyayari sa programa.

Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"
Ice Seguerra (TicTalk with Aster Amoyo YouTube channel)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Ice Seguerra: "I don't guest in any show na katapat ng Eat Bulaga and it's even in my contract"

"My loyalty remains with TVJ. Wherever they are and wherever they will be. More than anything it makes me sad. Sana pwede pang naayos right?" ani Ice sa panayam sa kanya ng entertainment reporter na si Aster Amoyo.

Dagdag pa ni Ice, malaking bahagi ng kanyang pagkatao ay mula sa Eat Bulaga kaya naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa mga nakasama sa programa lalong-lalo na sa TVJ na tumayong ikalawang ama niya sa industriya.

"A lot of who I am now is because of them"

Gayunpaman, nauunawaan umano niya ang mga pangyayari at may kasama rin umanong lungkot na humantong sa puntong paghihiwalay ang TAPE at Eat Bulaga matapos ang 44 na taon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa TicTALK with Aster Amoyo YouTube channel:

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Ilan sa mga sikat na artista na naging sumali rin sa nasabing patimpalak na ito ay sina Cammille Prats, Julie Anne San Jose at maging si Pauleen Luna.

Sa ngayon, pinakaaabangan ng marami ang bagong noontime show na pangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa bago nilang tahanan sa TV5.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica