Lala Sotto sa panawagang mag-resign sya: "I'm not going to satisfy the whims of my detractors"
- Naitanong kay MTRCB Chair Lala Sotto kung ano ang kanyang saloobin tungkol sa mga panawagang mag-resign siya
- Aniya, hindi niya pagbibigyan ang kagustuhan ng kanyang mga detractors na mag-resign siya
- Naniniwala siyang ginagawa lang niya ang kanyang trabaho bilang chairman ng MTRCB
- Nirerespeto daw niya ang opinyon ng mga tao dahil wala naman daw siyang magagawa kaugnay dito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naitanong kay MTRCB Chair Lala Sotto kung ano ang kanyang saloobin tungkol sa mga panawagang mag-resign siya. Sa panayam na binahagi ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, nabanggit ni Lala na hindi niya pagbibigayn ang kagustuhan ng kanyang mga detractors.
I'm not going to satisfy the whims of my detractors.
Aniya, kailangang irespeto ang opinyon ng ibang tao dahil wala na siyang magagawa dito pero aniya ay ginagawa lang niya ang kanyang trabaho.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa ulat ng Manila Times, inilunsad ng ahensiya ang 'Responsableng Panonood' alinsunod sa layunin ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na isulong ang media and information literacy sa bansa.
Matatandaang hinamon ni Rendon Labador si Sotto kaugnay sa kissing scene ng kanyang mga magulang sa noontime show na E.A.T. na naiulat sa Philippine Star.
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Para kay Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, hindi niya maituturing na threat ang TVJ sa EB na umiere sa GMA-7. Aniya, malaki ang respeto nila kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Dagdag pa niya, hindi nila layunin na makipagkumpitensiya at aniya ay hindi nila matatalo ang TVJ. Gayunpaman, humiling siya na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artists na kanilang nilagay sa show.
Naibahagi ni Mayor Jalosjos na may mga napili sana silang mga artist bilang bagong host sa Eat Bulaga. Gayunpaman, aniya ay kinalaunan ay umatras ang kanilang mga management dahil umano sa pag-pressure. Tumanggi naman ito na magbigay ng pangalan kung sino ang nagpepressure sa mga artista. Gayunpaman, aniya ay gusto lamang nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh