Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"

Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"

- Sumagot si Rendon Labador sa pahayag ni Toni Fowler sa panayam sa kanya kamakailan ni Isko Moreno sa YouTube channel nito

- Matatandaang sinabi ni Toni na si Rendon daw ang maituturing niyang pinaka-plastic na social media influencer

- Ito ay sa kadahilanang kilala daw niya ito dahil ninang siya ng anak ni Rendon at hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Rendon

- Sagot naman ni Rendon, akala lang daw ni Toni na plastic siya dahil aniya ay gawa si Toni sa plastic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Rendon Labador ang pahayag ni Toni Fowler na siya daw ang maituturing niyang pinakaplastic na social media influencer. Ani Rendon, akala lang daw ni Toni na plastic siya dahil aniya ay gawa si Toni sa plastic.

Rendon kay Toni: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"
Rendon kay Toni: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Matatandaang sa panayam ni Isko Moerno kay Toni, naibahagi ni Toni na nakilala niya si Rendon dahil inaanak daw ni Toni ang anak nito. Iba raw ang pinapakita ni Rendon para lang siya sumikat at kumita ng pera kaya para kay Toni ay plastic daw siya.

Read also

Toni Fowler sa awayang Merck at Xander: "Wala namang throwbackan ng picture"

Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"
Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic" (Rendon Labador)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate