Toni Fowler, binati si Vince Flores ngayong Father's day: "Pinanindigan mo kami ni Tyronia"

Toni Fowler, binati si Vince Flores ngayong Father's day: "Pinanindigan mo kami ni Tyronia"

- Binati ni Toni Fowler si Vince Flores ngayong araw sa paggunita ng Araw ng mga Ama

- Pinasalamatan nito si Vince dahil aniya ay pinanindigan nito sila ng anak niyang si Tyronia

- Pabiro pa nitong pinapatanggal sa picture ang dati niyang karelasyon na si Rob Moya

- Ani Toni, magbibigay siya sa Gcash ng makakapagtanggal ng photobomber sa picture na kanyang binahagi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Toni Fowler ang karelasyon niyang si Vince Flores. Aniya, pinagpapasalamat niya na pinanindigan ni Vince sila ng anak niyang si Tyronia Fowler.

Toni Fowler, binati si Vince Flores ngayong Father's day: "Pinanindigan mo kami ni Tyronia"
Toni Fowler, binati si Vince Flores ngayong Father's day: "Pinanindigan mo kami ni Tyronia" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa picture na kanyang binahagi sa pagbati niya kay Vince, kasama nila si Rob Moya sa likod. Pabiro pa nitong pinapatanggal sa picture ang dati niyang karelasyon na si Rob. Ani Toni, magbibigay siya sa Gcash ng makakapagtanggal ng photobomber sa picture na kanyang binahagi.

Read also

Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"

HAPPY FATHERS DAY JOWA SALAMAT DAHIL PINANINDIGAN MO KAMI NI TYRONIA
*pakitanggal naman yung photobomber sa likod sendan ko kayo gcasshh*

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate