Cristy Fermin naghayag ng opinyon sa post ni Lolit Solis tungkol sa kanya: "Thinkers are doers"

Cristy Fermin naghayag ng opinyon sa post ni Lolit Solis tungkol sa kanya: "Thinkers are doers"

- Nabanggit ni Cristy Fermin sa kanilang online show na Cristy Fer Minute ang kaugnay sa balitang nagkaayos na sina Lolit Solis at Bea Alonzo

- Aniya, nadamay lang naman daw si Bea sa galit ni Lolit sa manager ni Bea na si Shirley Kuan

- Si Lolit daw pala ang may personal na galit sa manager kagaya sa sinasabi ni to sa IG na may galit si Cristy sa kanya kaya nito binibira daw ang mga alaga niyang sina Paolo Contis at Lorna Tolentino

- Dagdag pa niya, sa bibig talaga nahuhuli ang isda at hindi sa buntot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Cristy Fermin sa programa niyang Cristy FerMinute ang pagbabati nina Lolit Solis at Bea Alonzo. Aniya, si Lolit pala ang may personal na galit sa manager ni Bea kagaya na lang sa aniya'y binibintang sa kanya nito na may galit siya sa mga alaga ni Lolit.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Cristy Fermin naghayag ng opinyon sa post ni Lolit Solis tungkol sa kanya: "Thinkers are doers"
Cristy Fermin naghayag ng opinyon sa post ni Lolit Solis tungkol sa kanya: "Thinkers are doers" (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Ani Cristy aminado naman si Lolit na sa manager ni Bea siya nagagalit kaya nito binanatan si Bea sa kanyang mga post.

Iniugnay ito ni Cristy sa aniya'y paratang sa kanya ni Lolit na may galit si Cristy sa kanya kaya nito binibira ang mga alaga niyang sina Paolo Contis at Lorna Tolentino.

Sa bibig po talaga nahuhuli ang isda hindi po sa buntot kailanman. Yun ay ipinataw na bintang sa akin ni Manay Lolit pero ano ngayon ang lumabas siya pala ang may galit sa manager ni Bea kaya binira-bira niya si Bea. Sino ngayon, o di siya naglantad na siya pala yun. kaya thinkers are doers. Yun yun.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network. Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram. Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Read also

Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"

Matatandaang nakapanayam nina Lolit at Mr. Fu si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanilang online show na 'Take It! Take It! Me Gano’n?'Dito ay napag-usapan nila ang tungkol sa spoof video ni Ai-Ai delas Alas na nag-i-endorso sa katunggali ni Mayor Belmonte sa pagka-Mayor sa QC. Hindi na umano pinanood ni Mayor Joy ang naturang video dahil sa pagkakaalam umano niya ay marami sa kanyang kakilala ang hindi natuwa sa video kaya hindi na raw siya magpapaapekto. Para naman kay Manay Lolit, dapat ay maging mabait na ang aniya'y kagaya ni Ai-Ai na inilarawan niya bilang "laos."

Naglabas ng saloobin si Manay Lolit kaugnay sa bagong pahayag ni Liza Soberano sa isang kumakalat na video. Kasama niya sa isang podcast ang South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel ng BTOB. Sa naturang podcast ay binahagi ni Liza ang tungkol sa pagkakaroon ng love team sa Philippine showbiz. Para kay Manay Lolit, parang sinisira ni Liza ang magandang career na nasimulan niya sa Pilipinas dahil sa kanyang mga sinasabi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate