"I'm not your mother prank" ni Melai Cantiveros, hindi umobra sa mga anak na sina Mela at Stela

"I'm not your mother prank" ni Melai Cantiveros, hindi umobra sa mga anak na sina Mela at Stela

- Kinaaliwan ang video ng mag-iinang Melai Cantiveros at mga anak na sina Mela at Stela Francisco

- Sinubukan ni Melai na i-prank ang mga ito at sabihing hindi niya tunay na anak ang mga ito

- Gayunpaman ay hindi napaniwala ng TV host ang mga anak at inisa-isa ang kanilang pagkakaparehas sa kanilang nanay

- Marami ang naaliw sa dalawang chikiting nila Melai at Jason Francisco dahil sa pagiging bibo ng mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napaniwala ni Melai Cantiveros ang mga anak na sina Mela at Stela Francisco sa kanyang "I'm not your mother prank." Marami ang naaliw sa kung paano pinatunayan ng dalawa na totoong anak sila ni Melai.

"I'm not your mother prank" ni Melai Cantiveros, hindi umobra sa kina Mela at Stella
"I'm not your mother prank" ni Melai Cantiveros, hindi umobra sa kina Mela at Stella (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Hindi pa man natatapos ang gusto niyang sabihin ay agad na sinabi ni Stela na gaya ng mama siya ay mahilig ito sa party-party.

Read also

Nathalie Hart, nagbahagi ng pictures nila ng anak niyang si Penelope

Si Mela naman daw ay kagaya ng mama niya na madaldal. Hirit pa ni Stela, parehas sila ng nunal. Parehas daw sila ni Mela na pretty. Agad namang sumagot si Stela na parehas ng ngipin si Mela at mama nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lalong kinaaliwan ang paggaya ni Stela sa mukha ng mama niya bilang patunay na anak daw talaga siya nito.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Joey De Leon, nais lamang maalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate