Joey De Leon, nais lamang maalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"

Joey De Leon, nais lamang maalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"

- Iisang bagay lamang umano ang nais ni Joey De Leon na maging legasiya niya na tatatak sa mga tao

- Ito umano ay ang pagpapangalan niya sa kanilang programa na mahigit apat na dekada nang nasa telebisyon

- Sa ngayon, hindi pa rin masabi ni Joey kung madadala nila ang pangalang 'Eat Bulaga' sa binubuo nilang programa sa TV5

- Hunyo 7 nang ianunsyo ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan matapos lisanin ang TAPE Inc. na producer ng 'Eat Bulaga' sa GMA 7

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong ni Christine Babao si Joey De Leon kung ano ang isang bagay na nais niyang maging legasiya niya na tatatak sa publiko.

Joey De Leon, nais lamang maaalala sa isang bagay: "Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga"
Joey De Leon (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na limang bagay sana ang tanong sa kanya ni Christine subalit nais lamang umano ni Joey na tumatak ang pangalan niya sa iisang bagay,

Read also

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

"Na ako ang nagpangalan ng Eat Bulaga," aniya. Sa ilan niyang naunang panayam, naidetalye niya kung paano niya na isip ang titulong 'Eat Bulaga' habang siya ay nasa kusina noon ni Tito Sotto.

Sa ngayon, hindi pa rin umano masabi ni Joey kung madadala pa rin nila ang pangalang 'Eat Bulaga' sa binubuo nilang programa sa bago nilang tahanan, ang TV5.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit niyang nasa korte na umano ang usaping ito at umaasa pa rin naman talaga sila na papaburan sila ng magiging desisyon ukol dito.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Joey At Christine mula sa YouTube channel na Christine Babao's channel:

Ang 'Eat Bulaga' ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

Read also

Nanalo sa isang segment ng EB, pinasalamatan ang Eat Bulaga at TVJ

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica