Nanalo sa isang segment ng EB, pinasalamatan ang Eat Bulaga at TVJ

Nanalo sa isang segment ng EB, pinasalamatan ang Eat Bulaga at TVJ

- Sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon pati na ang 'Eat Bulaga' ang pinasalamatan ng isang winner sa bagong segment ng 'Eat Bulaga'

- Sa segment nilang G sa Gedli, tinanong ni Yorme Isko Moreno ang isang tsuper kung ano masasabi niya dahil nanalo siya

- Marami naman ang bumilib sa husay ni Isko sa pagdala sa naturang eksena

- Aniya sila yung mga nakasama nila noon at hindi nila makakalimutan ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ng lalaking nanalo sa bagong segment ng Eat Bulaga sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon pati na ang Eat Bulaga. Marami naman ang bumilib sa husay ni Isko sa pagdala niya sa sitwasyon matapos nitong sabihin ang pangalan ng TVJ.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Nanalo sa isang segment ng EB, pinasalamatan ang Eat Bulaga at TVJ
Nanalo sa isang segment ng EB, pinasalamatan ang Eat Bulaga at TVJ (@angpoetnyo)
Source: Instagram
Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga lalo na kila Tito Vic and Joey.

Agad na sinagot ni Yorme na sila ang mga dati nilang kasama at hindi nila makakalimutan ang mga ito. Tinanong niya rin ito kung lagi ba nitong sasamahan ang bagong Eat Bulaga. Agad naman din sumagot ang tsuper at nagsabing lagi raw silang nanonood.

Narito ang ilan sa mga komento sa video na ito:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Na-segway ni yorme goods n din
Napanood ko kanina yan tawang tawa ako
Yorme knows how to handle situation like that and palitan ang title ng show

Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Read also

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Para kay Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, hindi niya maituturing na threat ang TVJ sa EB na umiere sa GMA-7. Aniya, malaki ang respeto nila kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at malaki daw ang kanilang respeto sa TVJ. Dagdag pa niya, hindi nila layunin na makipagkumpitensiya at aniya ay hindi nila matatalo ang TVJ. Gayunpaman, humiling siya na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artists na kanilang nilagay sa show.

Naibahagi ni Mayor Jalosjos na may mga napili sana silang mga artist bilang bagong host sa Eat Bulaga. Gayunpaman, aniya ay kinalaunan ay umatras ang kanilang mga management dahil umano sa pag-pressure. Tumanggi naman ito na magbigay ng pangalan kung sino ang nagpepressure sa mga artista. Gayunpaman, aniya ay gusto lamang nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel