Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video kasama ang asawa

Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video kasama ang asawa

- Nagbahagi ng bagong TikTok video si Gardo Versoza kasama ang kanyang asawang si Ivy Vicencio

- Nakisabay sila sa nauusong TikTok trend na Gento habang may nakakabit pa na suero sa aktor

- Nasa ospital sila dahil sa pangalawang operasyon kay Gardo matapos soiyang atakehin sa puso

- Bumuhos naman ang mensahe para sa mabilis na paggaling at pag-ayos ng kalusugan ni Gardo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Gardo Versoza ang TikTok video niya kasama ang kanyang misis na si Ivy Vicencio. Nakisabay sila sa nauusong TikTok trend na Gento habang may nakakabit pa na suwero sa kanya.

Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video kasama ang asawa
Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video kasama ang asawa (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Base sa video ay mukhang kuha ito sa ospital. Wala pang pormal na nilalabas na pahayag ang mag-asawa tungkol sa kanyang angioplasty ngunit sa mga nauna niyang panayam ay sinabi nila ang tungkol sa ikalawang angioplasty niya.

Read also

Joey De Leon, inilalaban umano ang 'Eat Bulaga': "Malapit na ang paghuhukom"

Bumuhos naman ang mensahe para sa mabilis na paggaling at pag-ayos ng kalusugan ni Gardo. Narito ang ilan sa mga komento:

Heto yung dapat pinapanood sa social media na nagbibigay saya at inspirasyon sa buhay kahit may pinagdadaanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hinay hinay lang cupcake..hehe pagaling ka po.
It's nice to see you dancing again cupcake.. praying for your continued healing.

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Read also

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel