Vanessa Raval sa ibang kapatid: "Ganyan kasi, iwanan sa ere."

Vanessa Raval sa ibang kapatid: "Ganyan kasi, iwanan sa ere."

- Naglabas ng saloobin si Vanessa Raval sa iba niyang kapatid matapos niyang maglabas ng video kung saan nabanggit niya ang umano'y pagtanggi umano ni Jeric Raval na anak siya nito

- Aniya, tanging dalawang kapatid niya at ang nanay niya ang nagmahal sa kanya at iniwanan siya sa ere ng ibang kapatid

- Dagdag pa ni Vanessa, palagi naman siyang naroroon para sa kanyang mga kapatid

- Aniya, ginawa niya ang best niya para mahalin ang mga kapatid niya ngunit sa huli ay siya pa din daw ang talo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng hinanakit si Vanessa Raval sa ibang kapatid niya. Aniya, tanging dalawang kapatid niya at ang nanay niya ang nagmahal sa kanya at iniwanan siya sa ere ng ibang kapatid.

Read also

Vanessa Raval, handa raw patawarin ang ama mag-sorry lang ito

Vanessa Raval sa ibang kapatid: "Ganyan kasi, iwanan sa ere."
Vanessa Raval sa ibang kapatid: "Ganyan kasi, iwanan sa ere." (Vanessa Raval)
Source: Facebook

Dagdag pa ni Vanessa, palagi naman siyang naroroon para sa kanyang mga kapatid.Aniya, ginawa niya ang best niya para mahalin ang mga kapatid niya ngunit sa huli ay siya pa din daw ang talo.

Bago ito ay may nilabas na video si Vanessa kung saan nilabas niya ang saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi ng ama niyang si Jeric Raval sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Read also

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

Nagsalita si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate