Boobay sa kanyang kondisyon: "Lifetime na raw po 'yung seizure ko sabi ng doctor"

Boobay sa kanyang kondisyon: "Lifetime na raw po 'yung seizure ko sabi ng doctor"

- Idinetalye ni Boobay ang tungkol sa kanyang kondisyon sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Aniya, lifetime na ang kanyang kondisyon kaya naman may gamot na siyang iniinom para rito

- Matatandaang sa panayam naman sa kanya ni Boy Abunda, naganap mismo ang absence seizure kung saan ilang segundo siyang tila nablangko

- Mabuti na lamang at alerto rin mismo si Boy Abunda na agad na napahinto ang interview na naituloy pa rin nang makabalik sa maayos na kondisyon si Boobay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naikuwento ni Boobay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa kanyang kondisyon na absence seizure.

Boobay sa kanyang kondisyon: "Lifetime na raw po 'yung seizure ko sabi ng doctor"
Boobay (@boobay7)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ang nangyari sa kanya habang nasa programang Fast Talk with Boy Abunda kung saan nakita kung paano siya tila mablangko at wala nang nasabi sa kalagitnaan ng panayam.

Read also

Boobay, emosyonal nang sabihing si Marian Rivera ang naging daan ng pagbabalik loob sa Diyos

"Lifetime na raw po kuya 'yung seizure ko sabi ng doctor. 'Yun yata yung hindi ko pa matanggap sa sarili ko na may ganito na palang nangyayari talaga sa akin. In denial ako na meron akong ganito," ani Boobay.

Dahil dito, buong buhay siya umanong may iinumin na gamot upang hindi dumalas ang pagsumpong ng naturang kondisyon. Isa umano sa dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya ay kung kulang siya sa pahinga na aminado siyang nagagawa minsan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang karamdaman, sinisiguro naman niyang maayos pa rin siyang nakapagtatrabaho. Labis din niyang ipinagpapasalamat ang mga patuloy na nagtitiwala sa kanya at nabibigyan pa rin siya ng mga proyekto at raket.

"Despite 'yung nangyayari nga na may ganu'ng absence seizure ako, because of my mild stroke before, na na-experience a mas siguro du'n sa mga magtitiwala pa rin, sisisguraduhin ko naman na hindi nila sasayangin ' yung tiwalang ibibigay nila sa akin"

Read also

Christian Merck Grey, pumayag na bibigyan ng sasakyan si Xander Arizala pag natalo siya nito

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff”gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang The Boobay and Tekla Show.

Sa naturang panayam din sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal niyang naibahagi kung paano naging daan si Marian Rivera upang magbalik-loob siya sa Diyos. Aminado kasi si Boobay na sa dami ng kanyang pagsubok na pinagdaraanan, minsan na niyang nakuwesiyon ang Panginoon kung bakit tila sunod-sunod itong nangyayari sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica