Christian Merck Grey, pumayag na bibigyan ng sasakyan si Xander Arizala pag natalo siya nito

Christian Merck Grey, pumayag na bibigyan ng sasakyan si Xander Arizala pag natalo siya nito

- May tumawag daw kay Christian Merck Grey na nagsabing nagpositive daw si Xander Arizala

- Sa kanyang bagong vlog ay nabanggit niya na papayag siya sa hinihingi ni Xander na P500K at kotse kung sakaling manalo ito laban sa kanya

- Nauna nang sinabi ni Xander na hind niya lalabanan si Merck sa Battle of YouTubers

- Hinamon din ni Merck si Xander na magpa-test para mapatunayan nito kung talaga bang hindi siya gumagamit ng bawal na gamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Christian Merck Grey ang sinabi ni Xander Arizala na dapat ay ibigay nito ang pinakita niyang pera na P500K at kotse dahil madami naman daw kotse si Merck. Ani Merck papayag siya sa hinihingi ni Xander kung matalo siya nito sa Battle of YouTubers.

Read also

Vanessa Raval sa isyung anak siya ng pinsan ni Jeric Raval: "Sana totoo na lang"

Christian Merck Grey, pumayag na bibigyan ng sasakyan si Xander Arizala pag natalo siya nito
Christian Merck Grey, pumayag na bibigyan ng sasakyan si Xander Arizala pag natalo siya nito (Xan Der Arizala)
Source: Facebook

Hinamon din ni Merck si Xander na magpa-test para mapatunayan nito kung talaga bang hindi siya gumagamit ng bawal na gamot. Siya na rin daw mismo ang gagastos para sa test.

Kapag hindi daw natalo naman daw si Xander ay hahatiin nila ang talent fee ni Xander na P200K para ipamigay daw ni Merck sa kanyang mga subscribers.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel