Boobay, emosyonal nang sabihing si Marian Rivera ang naging daan ng pagbabalik loob sa Diyos

Boobay, emosyonal nang sabihing si Marian Rivera ang naging daan ng pagbabalik loob sa Diyos

- Emosyonal si Boobay nang ikuwento kung paano siya natulungan ni Marian Rivera na magbalik loob muli sa Diyos

- Aminado si Boobay na sa dami ng pinagdaanan niyang pagsubok minsan na niyang nakuwestiyon ang Panginoon

- Para sa kanya, sa tuwing may magandang nangyayari sa kanyang career ay tila may kapalit naman itong pagsubok

- Subalit malaki ang pasasalamat niya kay Yanyan na labis labis ang tulong na ibinibigay sa kanya sa iba't ibang aspeto ng kanyang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Boobay nang ikuwento kung paano siya natulungan ni Marian Rivera na magbalik loob muli sa Diyos.

Boobay, emosyonal nang sabihing si Marian Rivera ang naging daan ng pagbabalik loob sa Diyos
Boobay and Marian Rivera (@boobay7)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Boobay na sa dami ng kanyang pinagdaraanang pagsubok ay minsan na niyang nakuwestiyon at aminadong nagtampo sa Diyos.

Read also

Cristy, pinaalalang una umanong nagsalita ang TAPE at sumagot lang si Tito Sotto

"Pag may nangyayaring maganda may hindi magandang nangyayari ganyan."
"Like 'yung kakabigay sa akin nu'ng mga bagong shows ko sa GMA, biglang sa Mama ko naman nagkaroon ng Kidney failure. Tapos habang nagti-taping 'dun sa binigay na prgram sa akin nagda-dialysis siya. 'Yung kinikita ko sa dialysis niya rin napupunta."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tapos ito, ibinigay nga ulit naman ngayon 'yung sa 'The Boobay and Tekla show namin, ta's may ganito naman. Sabi ko saan ba talaga Lord?"
"Nagtampo, nagtanong. Sabi ko para saan po ba ito ganyan. Pero hindi ko alam. Wala akong pinagsasabihan."

Gayunpaman, may isang taong hindi umano siya hinusgahan o sinukuan at ito ay si Marian Rivera.

"Pero ang pasasalamat ko kuya kasi may taong nagpa-realize sa akin na hindi. Hindi ko kailangang tanungin si Lord. Hayaan kong si Lord lang 'yung mag-maneuver ng lahat.Kaka-reconnect ko lang ulit kay Lord. Dahil kay Yanyan, kay Marian"

Read also

Paolo Ballesteros sa pagsama sa TVJ: "hindi mo na iisipin anong work mo bukas or whatever"

Matatandaang noon pa man, isa si Marian Rivera sa ipinagmamalaking kaibigan ni Boobay na kailanma'y hindi siya iniwan sa anumang pagsubok na kanyang hinarap at patuloy na haharapin.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Boobay mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff” gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang 'The Boobay and Tekla Show.'

Maaalalang isa si Marian Rivera sa mga tumulong kay Boobay nang ma-stroke ito noong 2016. At nang pinasalamatan niya si Marian Rivera, talagang naiyak si Boobay dahil naniniwala siyang wala na sana siya ngayon kung hindi sa labis na pagmamalasakit sa kanya ng Kapuso actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica