Michael V, pinabulaanan ang balitang inalok siyang maging host ng Eat Bulaga
- Pinabulaanan ni Michael V ang balitang nakatanggap umano siya ng offer na maging host ng 'Eat Bulaga'
- Aniya, na-appreciate niya ang positibong komento ngunit aniya ay wala naman siyang natanggap na offer
- Kahit daw nakatanggap siya ng offer ay hindi naman niya iyon matatanggap dahil hindi kakayanin ng kanyang schedule
- Inudyukan niya rin ang mga tao na maging mas mapanuri sa mga nababasa sa internet para hindi mabiktima ng fake news
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani Michael V., walang katotohanan na nakatanggap siya ng offer para maging isa sa mga host ng Eat Bulaga. Aniya kahit pa makatanggap siya ng offer ay hindi din niya matatanggap dahil hindi kakayanin ng kanyang schedule.
Aniya, hiling niya na maayos ng TAPE- Inc at ng Dabarkads ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Minabuti na rin niyang sagutin ang ibang nagtanong ng dahilan kung bakit siya noon umalis sa Eat Bulaga. Aniya, nauna na niya itong nasagot sa isang vlog niya kung saan nabanggit niyang sa dami ng kanyang ginagawa ay nahihiya na rin siyang hindi siya masyadong nakakapasok. Kaya naman nang kasagsagan ng kasikatan ng AlDub ay nakakita siya ng pagkakataon na pwede na siyang magpahinga sa paghohost.
Aniya, bukas naman ang kanilang komunikasyon noon at natatawagan siya para mag-host.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inudyukan niya rin ang mga tao na maging mas mapanuri sa mga nababasa sa internet para hindi mabiktima ng fake news.
Si Beethoven Del Valle Bunagan o mas kilala sa kanyang screen name na Michael V. o Bitoy ay isang actor, comedian, at recording artist. Kabilang sa kanyang mga palabas sa GMA-7 ay Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Matatandaang naging usap-usapang si Rendon Labador matapos niyang magkomento kaugnay sa pahayag ni Michael V tungkol sa mga content creator. Ani Michael, ang unang bagay na dapat maintindihan ng mga content creator ang salitang content. Ayon naman kay Rendon, laos na ang mga nasa mainstream media at ang mga influencers na daw ang celebrities sa kasalukuyan - Dagdag pa ni Rendon ay dapat manahimik na lang ang mga celebrities kung hindi nila kayang makipagsabayan sa mga influencers sa paggawa ng content.
Sumagot si Rendon sa mga nagtanggol kay Michael V kasunod ng kanyang pahayag. Muli niyang iginiit na laos na daw ang mga artistang ito at wala raw siyang pakialam. Aniya, kahit magkampihan pa silang lahat at dapat daw tanggapin na nila ang katotohanan. Matatandaang nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng pahayag ni Rendon laban kay Michael V kaugnay sa pahayag nito tungkol sa dapat matutunan ng mga content creator.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh