Birthday party ni John Estrada, nagmistulang reunion ng cast ng 'Ang Probinsyano'

Birthday party ni John Estrada, nagmistulang reunion ng cast ng 'Ang Probinsyano'

- Nagmistulang reunion ng cast ng 'FPJ Ang Probinsyano' ang 50th birthday ni John Estrada

- Naibahagi ni former senator Kiko Pangilinan ang ilan sa mga larawan sa pagdiriwang

- Ito ay dahil kasama siya ng misis na si Megastar Sharon Cuneta na minsan ding naging bahagi ng serye

- Sa ngayon, bahagi si John ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, ang 'Batang Quiapo'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila naging isang instant reunion ng cast ng FPJ Ang Probinsyano ang 50th birthday party ni John Estrada.

Birthday party ni John Estrada, nagmistulang reunion ng cast ng FPJ ang Probinsyano
Si former senator Kiko Pangilinan kasama ang ilang cast ng FPJ Ang Probinsyano (Kiko Pangilinan)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na halos lahat ng naging bahagi ng naturang serye ay nakisaya sa kaarawan kabilang na si Megastar Sharon Cuneta.

Katunayan, ang kanyang mister na si dating senador na si Kiko Pangilinan ang nagbahagi ng ilan sa kanilang mga larawan na kuha sa naturang party at aminadong na-starstruck sa dami ng dumalong artista.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Naroon sina Shaina Magdayao, Angel Aquino, Julia Montes, Lorna Toelentino, Cherry Pie Picache, Rowell Santiago at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naroon din si Coco Martin na hanggang ngayon ay kasama ni John Estrada sa seryeng Batang Quiapo.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ang TV adaptation ng classic film ni Fernando Poe Jr. na "Ang Probinsyano." Pinagbibidahan ito ni Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay. Setyembre 2015 pa nang una itong naisa-ere sa ABS-CBN at natapos makalipas ang pitong taon.

Ngayon, pinakaaabangan din ang teleseryeng FPJ Batang Quiapo na pinagbibidahan pa rin ni Coco Martin. Kabilang pa rin si John Estrada sa naturang serye.

Samantala, kamakailan lang ay gumulantang sa publiko ang mga crypitc post ng misis ni John na si Priscilla Meirelles. Kalaunan, ibinahagi niyang may kaugnayan ito sa babaeng na-link sa kanyang mister. Nanatiling tikom ang bibig ni John sa nangyari hanggang sa isinapubliko na lang nito ang sweet photos nila ni Priscilla na magkasama.

Read also

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pagkakataong mag-post si Priscilla na sinasabing patungkol pa rin sa umano'y isyu ng mister sa babae. Kaya naman napayuhan na siya ni Cristy Fermin na sana'y itigil na ito lalo pa at nahuhusgahan na lalo silang mag-asawa ng publiko sa bagay na si Pricilla naman umano ang nagsiwalat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel