Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"
- Ibinahagi nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ang ilang kaganapan nang mamaalam ang TVJ sa TAPE Inc.
- Aminado si Paolo na naguguluhan sa nangyayari gayundin si Wally na inakalang ordinaryong araw lamang ang May 31 ngunit 'di na sila nakapag-live
- Pressure naman ang naramdaman umano ni Jose ngunit hindi raw siya nag-aalala nang husto dahil alam nilang hindi sila pabababayaan ng TVJ
- May 31 nang tuluyan nang mamaalam ang Tito, Vic and Joey sa producer ng 'Eat Bulaga', ang TAPE Inc. na gumulantang sa publiko lalo na sa kanilang mga tagasubaybay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Natanong sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros (JoWaPao) tungkol umano sa sa kanilang mga saloobin sa naganap na pagkalas nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. noong May 31.
Nalaman ng KAMI na maging ang JoWaPao ay tila naguluhan sa sitwasyong ito kaya naman aminado silang bumuhos ang kanilang emosyon sa araw na iyon.
"Ako ay gulong-gulo sa kung ano ang nangyayari. Bilang ako ay isang clueless. I chose peace. Hindi ko alam kung ang mangyayari siyempre. Pumasok kami para mag-work, likw we usually do, like we all do. Ako for 22 years ng buhay ko mas higit pa sa kalahati ng buhay ko. Sa araw-araw sa Eat Bulaga. Same usual day tapos 'yun na nga, biglang hindi na raw magla-live and stuff. Anyare ta's gulong-gulo," ani Paolo sa programang 'Sa Totoo Lang' ng One PH.
"Puzzled syempre, gulong-gulo. Gulong-gulo. Iniisip ko after that nung nag-sign off kami, iniisip ko sa'n ako kakain ng libreng lunch," pabiro namang nasabi ni Wally.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Habang si Jose ay nakaramdam umano ng pressure sa sitwasyong iyon ngunit tiwala sa TVJ na hindi sila nito pababayaan.
"Sa'kin ano e, pressure 'yung nangyayari sa loob. 'Yun nga basta sinabi hindi kami eere. Ako sa part ko, hindi naman ako masyadong nag-worry kasi andun 'yung TVJ. Alam naman nating hindi kami pababayaan kung anumang sitwasyon, sila naman yung haharap at siguradong magiging maayos naman so, kung anumang pinaplano alam naming tama 'yung desisyon nila. So, pinaubaya naming lahat. Hindi makakalimutan 'yung prayers. 'Yun ang sitwasyon nu'n"
Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanila ng Sa Totoo Lang ng One PH na naibahagi rin ng News 5 Everywhere:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh