Tito Sotto sa TAPE, Inc: ‘They’re deceiving the people’

Tito Sotto sa TAPE, Inc: ‘They’re deceiving the people’

- Naitanong kay dating Senate President Tito Sotto kung ano ang kasong isinampa nila sa TAPE, Inc

- Ani Tito Sen, ang copyright ang kanilang pinaglalaban dahil ang trademark ay may cancelation naman

- Niloloko daw nila ang mga tao sa pagsasabing sila ang may-ari ng Eat Bulaga

- Pwede naman daw nilang ituloy ang programa pero dapat daw ay palitan nila ang pangalan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay dating Senate President Tito Sotto, niloloko ng TAPE, Inc ang tao sa pagpipilit nilang sila ang Eat Bulaga. Sa YouTube video ng Models of Manila FM YouTube channel, sinabi ni Tito Sen na pwede naman daw nilang ituloy ang programa pero dapat daw ay palitan nila ang pangalan nila.

Tito Sotto, muling nagsalita: ‘They’re deceiving the people’
Tito Sotto, muling nagsalita: ‘They’re deceiving the people’ (@helenstito)
Source: Facebook

“They’re deceiving the people by saying na sila ‘yung Eat Bulaga! “Puwede naman nila ituloy ang programa kung gusto nila, pero palitan nila yung pangalan nila. ‘Yun lang naman ang punto namin… Pinipilit ninyo sa tao, sa publiko, na kayo ang Eat Bulaga, e hindi naman kayo,”

Read also

Kiara Takahashi, kinuwentong scripted ang love team nila ni Gino Roque

Aniya hindi tama na magpalabas ng footage na kuha mula sa old episodes ng Eat Bulaga! na kasama sila ang TAPE.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang Eat Bulaga ay tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Para kay Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, hindi niya maituturing na threat ang TVJ sa EB na umiere sa GMA-7. Aniya, malaki ang respeto nila kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at malaki daw ang kanilang respeto sa TVJ. Dagdag pa niya, hindi nila layunin na makipagkumpitensiya at aniya ay hindi nila matatalo ang TVJ. Gayunpaman, humiling siya na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artists na kanilang nilagay sa show.

Read also

Bea Alonzo, ibinidang ipinagpaplantsa siya ni Dominic: "ganyan po siya magmahal"

Naibahagi ni Mayor Jalosjos na may mga napili sana silang mga artist bilang bagong host sa Eat Bulaga. Gayunpaman, aniya ay kinalaunan ay umatras ang kanilang mga management dahil umano sa pag-pressure. Tumanggi naman ito na magbigay ng pangalan kung sino ang nagpepressure sa mga artista. Gayunpaman, aniya ay gusto lamang nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate