Joey De Leon, naluha habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin ang TAPE

Joey De Leon, naluha habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin ang TAPE

- Hindi napigilang maluha ni Joey De Leon sa isang interview habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin na nila ang TAPE Inc.

- Aniya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Susan Co ng Puregold na isa sa mga sponsors ng programa na nagpakita ng labis na pagsuporta sa kanila

- Pinasalamatan din ni Joey ang taumbayan na nagparamdam ng respeto at suporta sa kanila matapos ang nangyari noong Mayo 31

- Ngayon Hunyo 7, pormal na rin nilang inanunsyo na ang TV5 ang magiging bagong tahanan ng TVJ kasama ng iba pang host na namaalam na rin sa TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maging emosyonal at talagang naiyak muli si Joey De Leon nang mapag-usapan ang tungkol sa ilang kaganapan matapos ang kanilang pamamaalam sa TAPE Inc. noong Mayo 31.

Read also

Joey De Leon, siya umanong nag-push sa TVJ na piliin ang TV5 bilang bagong tahanan

Joey De Leon, naluha habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin ang TAPE
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga unang nangumusta kay Joey ay ang isa sa may-ari ng Puregold na si Susan Co.

Matatandaang ang Puregold ang isa sa mga primary sponsors ng Eat Bulaga.

Naantig umano ang puso ng isa sa mga orihinal na host ng Eat Bulaga dahil sa pagmamalasakit sa kanila ni Co.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kayo okay ba kayo? ako naman bumaliktad (ng tanong) kasi nabalitaan ko parang nag-advance na sila ng malaking... hindi ako marunong sa sales e three years na ata ang in-advance sa show namin. Biglang kinat ako, sabi niya nagalit e sabi niya no! hindi importante sa'min 'yun. Bahala kami sa ginagawa namin, ang gusto namin malaman kung okay kayo. Umiyak na ako nu'n"

Pinasalamatan din ni Joey ang lahat ng mga taong nagbabahagi at nagpapadala ng mensahe ng suporta sa kanya at sa kanyang mga kasama.

Read also

Ogie Diaz sa bagong Eat Bulaga: "Bigyan natin sila ng enough time to prove their worth"

"Salamat sa mga tao na nabasa namin, nagulat nga kami sabi namin ano ba'to kung kailan tayo tumanda saka tayo pinag-usapan."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa programang Frontline/ News5Everywhere:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Matatandaang sa isang panayam sa dating senador na si Tito Sotto, nabanggit nitong si Joey De Leon ang labis na naging emosyonal sa nangyari. Aniya, nasa apat na beses itong umiyak sa kanya sa telepono nang makausap niya ito matapos ang pamamaalam nila sa TAPE noong Mayo 31.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica