Mayor Bullet Jalosjos, masaya daw para sa TVJ: "Manonood po ako"
- Nagsalita si Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, ang Chief Finance Officer ng TAPE, Inc kaugnay sa paglipat ng TVJ at iba pang hosts ng Eat Bulaga sa TV-5
- Sa panayam ni Pinky Webb sa programang "The Source" ng CNN, sinabi ni Mayor Bullet na masaya siya para sa TVJ na nakahanap sila ng bagong tahanan
- Aniya, manonood siya at susuporta sa show nila sa TV5 lalo na kung hindi naman sila parehas ng time slot ng Eat Bulaga sa GMA-7
- Ngayong araw ay pormal na inanunsiyo na sa TV5 lilipat ang TVJ at iba pang kasama nilang dabarkads
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Mayor Seth "Bullet" Jalosjos, ang Chief Finance Officer ng TAPE, Inc, masaya siya para sa TVJ na nakahanap sila ng bagong tahanan. Sa panayam ni Pinky Webb sa programang "The Source" ng CNN, nabanggit niyang susuporta at manonood siya sa kanilang show.
I'm happy that meron na po silang bahay. I'd like to congratulate them for putting up the show this early sa TV 5. And manonood po ako, sususporta po ako sa show nila.
Ngayong araw ay pormal na inanunsiyo na sa TV5 lilipat ang TVJ at iba pang kasama nilang dabarkads.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Bago mangyari ang pagkalas nila sa TAPE, kabilang sa mga host ng naturang show ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Source: KAMI.com.gh