Kuya Kim, nag-post ng picture kasama sina Billy Crawford at Eruption: "Eats Chowtime"
- Nagbahagi ng pictures si Kim Atienza kasama sina Billy Crawford at Eruption
- Kinaaliwan ang kanyang caption na "Eats Chowtime" na tila pinagsamang pangalan ng 'Eat Bulaga' at 'It's Showtime'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Matatandaang nagkasama sina Billy, Eruption at Kuya Kim dati bilang mga hosts ng It's Showtime
- Hindi naman natuloy ang lumabas na balitang kabilang si Kuya Kim sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga
Nag-post si Kim Atienza ng picture nila kasama ang dalawang dating kasamahan niya sa It's Showtime na sina Billy Crawford at Eruption. Kinaaliwan ang kanyang caption na "Eats Chowtime" na tila pinagsamang pangalan ng Eat Bulaga at It's Showtime.
Kamakailan ay lumabas ang balitang kabilang si Kuya Kim sa mga napiling bagong host ng Eat Bulaga matapos kumalas ng mga dating hosts nito. Gayunpaman, nilinaw ng kanyang talent manager na hindi makakasama si Kin sa naturang noontime show dahil aniya ay hindi kakayanin ng schedule niya dahil mayroon na siyang trabaho bilang host sa TikTokClock.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang post sa IG ay nilinaw ng manager niyang si Noel Ferrer ang tungkol dito.
"THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) - but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program “TIKTOCLOCK...”
Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.
Matatandaang nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na banyaga. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.
Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalamatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh