Cristy, hanga sa mga It's Showtime hosts sa gitna ng isyu ng Eat Bulaga: "Lalo na kay Kim Chiu"
- Bumilib si Ciry Fermin sa mga It's Showtime hosts na hindi naringgan ng anumang negaatibong reaksyon sa pamamaalam ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc.
- Lalo na umano kay Kim Chiu na nagpakita ng suporta at mataas na respeto umano sa TVJ
- Mayo 31 nang gumulantang sa publiko ang Facebook live ni Maine Mendoza kung saan naglabas ng pahayag ang TVJ kaugnay sa pamamaalam nila sa TAPE Inc.
- Ngayong Hunyo 5, nakilala na ang mga bagong host ng Eat Bulaga na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, at magkapatid na sina Cassy and Mavy Legaspi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminadong humanga si Cristy Fermin sa mga hosts ng It's Showtime na walang anumang ipinaramdam na negatibo sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc.
Nalaman ng KAMI na napuri ni Cristy ang mga hosts lalong-lalo na umano si Kim Chiu na nagpapakita ng mataas na na respeto sa original trio ng Eat Bulaga.
"Natutuwa ako sa gesture ng mga host ng It's Showtime. Nang malaman nila, nang mabalitaan nila na namaalam na sa TAPE Inc. ang Tito, Vic and Joey wala kang mararamdanan na negatibong reaksyon mula sa kanila lalo na kay Kim Chiu."
Matatandang nagbigay pahayag si Kim ng pagsuporta sa TVJ nang matanong ito sa kanya sa press conference ng ineendorso niyang produkto.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Change is nandiyan talaga 'yan. Parang 'di naman natin mababago 'yan. And then 'yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman. Susuporta at susuporta. Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila. Kung ano yung desisyon nila and whatever is happening sa…anong tawag diyan, sa base nila, it’s for them,” aniya.
Matatandaan din na minsan nang binati ng mga dating Eat Bulaga hosts si Vic Ganda sa kaarawan nito.
Patunay lamang na kahit minsa'y naging magkatunggali sa kanilang noontime slot sa magkabilang estasyon, wala umano silang masamang tinapay sa isa't isa.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh