GMA sa isyu ng TAPE at TVJ: "From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito"

GMA sa isyu ng TAPE at TVJ: "From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito"

- Nagbigay na ng mas malinaw na pahayag ang GMA kaugnay sa isyu ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic at Joey

- Ayon kay Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes wala silang control sa nangyayari sa pagitan ng TAPE at TVJ

- Nilinaw din niya ang kontrata ng GMA ay sa TAPE Inc. na siyang producer ng 'Eat Bulaga'

- Aniya, simula nang umugong ang isyu na ito, wala silang kinilingan o kinampihan taliwas sa napapabalita sa mga kaganapan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak ng pahayag kay Nelson Canlas ng 24 Oras ang Network Senior Vice President ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

GMA sa isyu ng TAPE at TVJ: "From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito"
Atty. Annette Gozon-Valdes (24 Oras/ GMA integrated News)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa panayam na ito, mas nabigyang linaw ang ilang mga espskulasyon ng publiko sa GMA kaugnay sa mga nangyaayri sa pagitan ng TAPE Inc. at nina Tito Sotto, Vic Sotto at ni Joey De Leon ng Eat Bulaga.

Read also

Tito Sotto: "The creators are the owners, it's always that way"

"Alam mo Nelson, it was beyond our control. Kung may control lang tayo, kung may say lang tayo sa mangyayari, siyempre hindi natin sila pakakawalan. Ayan 'yung term nila, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin kaya lang, sa totoo hands off ang GMA diyan kasi it was an internal issue between TVJ and TAPE Inc. So wala naman talagang alam about those issues"

Dagdag pa ni Atty. Goson-Valdez, nalalaman lang nila ang detalye ng isyu sa mga naibabalita.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Nalaman lang namin 'yung issues 'yun nga 'pag lumalabas sa social media, or sa newspapers or sa interviews. So it wasn't right for us para makialam."

Isa rin sa kanyang binigyang linaw, ay ang kabi-kabilang espekulasyon na panig umano sila sa TAPE Inc.

"From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito," ani Atty. Gozon-Valdez at isang halimbawa pa niyang naibigay ay ang ilang programa nina Bossing Vic sa GMA sa kabila ng mga nangyayari sa Eat Bulaga.

Read also

Cristy sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE: "Iniyakan po ni Alden Richards itong senaryong ito"

Narito ang kabuuan ng kanyang panayam sa 24 Oras na ibinahagi rin sa GMA Integrated News:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: