Xyriel Manabat, pinakilala sa publiko ang 'pogiest boyfriend'

Xyriel Manabat, pinakilala sa publiko ang 'pogiest boyfriend'

- Ipinakilala ni Xyriel Manabat sa unang pagkakataon ang kanyang boyfriend

- Base sa kanyang caption, ang mga pictures nila ay kuha sa kanilang biglaang Baguio Trip

- Bukod sa pagiging 'pogiest boyfriend,' isinalarawan ni Xyriel ito bilang kanyang spontaneous, late night taga-aya, kunsintidor, source of happiness, lifetime ride or die at super bff

- Agad namang nag-viral ang post na ito ni Xyriel lalo at isa ang dalaga sa pinakapinag-uusapang aktres sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Xyriel Manabat ang aniya'y 'pogiest boyfriend' niya. Ibinahagi ni Xyriel ang ilang pictures nila sa kanilang biglaang Baguio Trip.

Xyriel Manabat, pinakilala sa publiko ang 'pogiest boyfriend'
Xyriel Manabat, pinakilala sa publiko ang 'pogiest boyfriend' (@xyrielmanabat_)
Source: Instagram

Isinalarawan ni Xyriel ito bilang kanyang spontaneous, late night taga-aya, kunsintidor, source of happiness, lifetime ride or die at super bff.

Biglaang Baguio Trip ✨
With MY spontaneous, late night taga-aya, kunsintidor, source of happiness, lifetime ride or die, SUPER BFF

Read also

Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naka-tag din sa naturang post ang kanyang boyfriend at makikita sa Instagram nito ang ilang pictures nila ni Xyriel.

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang ibahagi ni Xyriel ang ilang pictures niya sa kanyang 18th birthday. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya. Hindi man siya aktibo sa showbiz ng ilang taon, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures.

Read also

Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever"

Sa social media post ni Xyriel kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook. Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres. Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya ito paborito si Xyriel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel