Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever"

Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever"

- Naghayag ng kanyang pagsuporta si Julia Clarete sa 'Eat Bulaga' sa gitna ng malaking pagbabago matapos magpaalam ang mga hosts sa TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ibinahagi ni Julia ang iba-ibang naging disenyo ng pangalan ng Eat Bulaga sa pagdaan ng maraming taon

- Matatandaang isa si Julia sa mga naging host ng naturang TV show

- Marami naman ang nagbahagi din ng kanilang pasasalamat at pagsuporta sa Eat Bulaga

Maging si Julia Clarete ay naghayag ng kanyang suporta sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga kasunod ng pagkalas ng mga TV hosts sa TAPE Inc.

Ibinahagi ni Julia ang iba-ibang naging disenyo ng pangalan ng Eat Bulaga sa pagdaan ng maraming taon.

Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever"
Julia Clarete, naghayag ng suporta sa Eat Bulaga: "My forever" (@juliaclarette)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

TAPE: "Ang pag-alis ng mga hosts ay 'di dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo"

Kalakip ng kanyang post ay nakalagay ang caption ni Julia na #MayForever My Forever. Marami naman ang nagbahagi din ng kanilang pasasalamat at pagsuporta sa Eat Bulaga.

Narito ang ilan sa mga komento:

Yes, Forever!!! Thankful for this show nakilala namin ang isang Julia Clarete!
You will forever be one of my fave dabarkads, miss u julia salamangkera
Namimiss ko na Yung magic mo sa 'Ang joke ko.'

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Bago mangyari ang pagkalas nila sa TAPE, kabilang sa mga host ng naturang show ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.

Read also

Script nina Tito, Vic at Joey sa pamamaalam sa TAPE, ibinahagi ng Eat Bulaga

Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano - Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais sabihin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel