Michaela, naiyak at nagselos nang dalhin ng kanyang mommy na si Ethel Booba sa raket nito
- Binahagi ni Ethel Booba sa kanyang vlog ang kanyang raket sa isang fiesta kung saan siya naimbitahan
- Sa unang pagkakataon ay dinala niya ang anak niyang si Michaela sa naturang raket niya
- Marami ang natuwa at nagpa-picture kasama si Ethel at pinagkaguluhan siya ng mga tao
- Naiyak naman si Michaela dahil ayon kay Ethel ay nagselos ito sa mga taong lumapit sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan ang vlog ni Ethel Booba kung saan pinakita niya ang naging raket sa isang fiesta. Dinala niya rin ang anak niyang si Michaela sa kanyang raket at sa unang pagkakataon ay napanood siya ng anak.
Aliw na aliw ang mga tao sa show ni Ethel. kaya naman, nang matapos ang show at pauwi na siya ay marami ang nagpa-picture sa kanya. Pinagkaguluhan siya ng mga taong nais makapagpa-picture kasama siya.
Tila naman bago ito sa anak na si Michaela at naiyak ito sa selos. Habang pauwi na sila ay naiiyak si Michaela sa loob ng sasakyan.
Kasi nagselos siya kasi bakit nagkukumpulan yung mga tao sa akin.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.
Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.
Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh