Loisa Andalio sa laro ni Ronnie Alonte sa ASG: "You deserve to be respected”

Loisa Andalio sa laro ni Ronnie Alonte sa ASG: "You deserve to be respected”

- Inihayag ni Loisa Andalio ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagbahagi ng pictures at clips ng mga naging laro ni Ronnie Alonte

- Binahagi niya ang quote tungkol sa umano'y hindi pagkaka-appreciate sa tunay na kakayahan ng kanyang boyfriend

- Hindi man diretsahan ay marami ang nagkomento at naghayag ng kanilang pagsang-ayon kay Loisa lalo na mula sa kanilang mga tagahanga

- Ginamit din ni Loisa ang hashtag na #WhenAStarLosesItsMagic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Loisa Andalio ang husay ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa pamamagitan ng pagpost ng mga pictures at clips ng mga naging laro nito. Ginamit din ni Loisa ang hashtag na #WhenAStarLosesItsMagic.

Loisa Andalio sa laro ni Ronnie Alonte sa ASG: "You deserve to be respected”
Loisa Andalio sa laro ni Ronnie Alonte sa ASG: "You deserve to be respected” (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Base sa kanyang caption, ang tinutukoy ni Loisa ay hindi pagkaka-appreciate sa tunay na kakayahan ng kanyang boyfriend. Hindi man diretsahan ay marami ang nagkomento at naghayag ng kanilang pagsang-ayon kay Loisa lalo na mula sa kanilang mga tagahanga.

It's time to walk away when you're not appreciated for who you are. You deserve to be respected.”
#WhenAStarLosesItsMagic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang komento ng ilang Loinie fans:

DJ Ronnie talaga dapat. pasensiya na mahina ata ang mga boses namin nung ASG. sinisigaw na namin ipasok si Ronnie ilabas ang dapat ilabas
This is why I support Loisa. Real sentiments that non-celebrities like me can relate
Si @iamr2alonte pa binangko galing nyan lumaro biñan days pa lang

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Aminado si Ronnie Alonte na nadismaya sila sa usad ng paghuli sa nanloob sa kotse nila ni Loisa. Aniya, kumilos naman ang mga otoridad ngunit aniya ay nakakalungkot na kahit artista sila ay wala pa ring napapanagot sa nangyari. Dagdag pa niya, paano na lang kaya kung nangyari iyon sa ordinaryong mamamayan. Gayunpaman, umaasa pa rin umano silang may mahuli agad ang salarin para wala ng ibang mabiktima.

Samantala, pinabulaanan nina Ronnie at Loisa ang haka-hakang may video umano sila sa mga nanakaw na cellphone sa kanila. Sa tanong sa kanila nabanggit ang tungkol sa usap-usapan na binabantaan umano silang ilalabas ang video. Natawa na lamang ang magkasintahan habang pinapabulaanan ang naturang kwento at anila ay safe sila. Matatandaang tatlong cellphone nila ang nawala nang looban ang kanilang kotse kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel