Ivana, pinag-grocery at binigyan ng Php10,000 ang tatlong shoppers na may mabuting puso

Ivana, pinag-grocery at binigyan ng Php10,000 ang tatlong shoppers na may mabuting puso

- Ipinag-grocery ni Ivana Alawi ang tatlong shoppers na nagawang tumulong sa nangangailangan

- Nagkunwaring kinulang sa pera ang kasabwat ni Ivana at sumubok ang mga ito na makahiram sa kasunod nila sa pila sa cashier

- Tatlo ang may mga mabubuting puso na nag-abot ng halagang kailangan ng mga kasabwat ni Ivana

- Bukod sa mga grocery, binigyan din sila ni Ivana tig Php10,000 kaya't halos 'di makapaniwala ang kanyang mga nabigyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tatlong mau-swerteng shoppers ang nabiyayaan ni Ivana sa kanyang Hakot Grocery challenge.

Ivana, pinag-grocery at binigyan ng Php10,000 ang tatlong shoppers na may mabuting puso
Ivana Alawi
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sinubukan muna nilang maghanap ng mga taong handang tumulong sa mga kasabwat ni Ivana na kunwaring kinapos sa pambayad sa pinamili niya.

Unang sumubok ang kanyang stylist na nabigyan ng pandagdag sa kunwaring diaper na bibilhin para sa pamangkin.

Read also

Ivana Alawi, binalikan ang simpleng buhay nila sa kanilang dating bahay

Sumunod naman ang driver niya na nagkunwaring kinulang sa pambili ng instant noodles para sa anak na may sakit. Gayundin ang assitant ni Ivana na kinulang kunwari sa pambili ng de lata.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

May ilang pagkakataon na tinatanggihan sila ng mga tao na ang madalas na dahilan ay sakto lamang na pambili ng kailangan ang dalang pera.

Kaya naman nang malaman ng tatlo na dahil sa kanilang kabutihan, masusuklian agad ito sa pa-hakot challenge ni Ivana Alawi.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay isang actress, model, content creator at CEO sa Pilipinas. Unang. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain, pera at iba pa nilang pangangailangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel