Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang "Palit Kwarto Challenge"

Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang "Palit Kwarto Challenge"

-- Pinakita ng magkaibigang Buboy Villar at Jelai Andres ang pangkaraniwang ginagawa nila sa araw-araw sa pamamagitan ng "Palit Kwarto Challenge" vlog na binahagi ni Jelai

- Sa kanilang video ay makikita silang nagising sa kwarto ng isa't-isa

- Pinasilip ni Jelai ang ginagawa ni Buboy kagaya ng pag-aasikaso ng kanyang paresan at paglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan

- Samanatala, pinakita ni Buboy kung gaano kaswerte ang mga inaalagaang hayop ni Jelai na aso at mga pusa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Jelai Andres at Buboy Villar sa bagong vlog na binahagi ni Jelai sa kanyang YouTube channel. Pinakita nila ang pangkaraniwang ginagawa nila sa araw-araw sa pamamagitan ng "Palit Kwarto Challenge."

Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang "Palit Kwarto Challenge"
Jelai Andres at Buboy Villar, kinaaliwan sa kanilang "Palit Kwarto Challenge" (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Kahit kilalang nakakaluwag-luwag sa buhay, hindi inatrasan ni Jelai Andres na gampanan ang pagiging isang Buboy Villar para ipakita ang ginagawa nito kagaya na lamang ng pag-aasikaso ng kanilang paresan, pakikipagkaibigan at kung paano ito bilang isang ama.

Read also

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

Samanatala, pinakita ni Buboy kung gaano kaswerte ang mga inaalagaang hayop ni Jelai na aso at mga pusa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel