Mariel, sumamblay sa lie detector test nang matanong ni Bea kung selosa ba siya

Mariel, sumamblay sa lie detector test nang matanong ni Bea kung selosa ba siya

- Pasado na sana si Mariel Rodriguez- Padilla sa lie detector test maliban sa isang tanong na lumbas na siya'y nagsinungaling

- Ito ay nang matanong siya ni Bea Alonzo kung selosa siya pagdating sa asawang si Robin Padilla

- Akala ni Mariel ay hindi na umano siya selosa gayung si Robin daw talaga ang madalas magselos kumpara sa kanya

- Puring-puri naman siya ni Bea gayung kitang-kita raw ang saya sa aura ni Mariel ngayong 13 taon na silang magkasama ni Robin at nabiyayaan pa sila ng dalawang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala na halos sablay si Mariel Rodriguez- Padilla sa lie detector test maliban lang sa sagot niya sa tanong kung selosa ba siya.

Mariel, sumamblay sa lie detector test nang matanong ni Bea kung selosa ba siya
Mariel Rodriguez-Padilla (Bea Alonzo Youtube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na naimbithan ni Bea Alonzo si Mariel sa kanyang YouTube channel para sa isang lie detector test challenge.

Read also

Ogie, sinabing sina Vice at Liza ang mga naging alaga na 'di niya malilimutan

Sumabak sa ilang katanungan si Mariel at mayroon aparatong nakakabit sa kanya na makapagsasabi kung nagsisinungaling ba ito o hindi.

Lahat ng katanungan ay lumabas na nagsasabi siya ng totoo, maliban sa usapin ng pagseselos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam mo ngayon hindi na... Hindi ako selosa, Oh my god! Hindi ako nagseselos," ani Mariel subalit ang detective, nag-thumbs down na ang ibig sabihin ay nagsinungaling ito.

Paliwanag ni Mariel, mas seloso na ngayon si Robin kumpara sa kanya kaya ang nasa isip niya ay hindi siya ang selosa.

Naikwento rin ni Mariel na umaabot umano sa limang araw ang pag-aaway nila subalit hindi naman humahantong sa hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at actress. Siya ay isang American Citizen na ikinasal sa aktor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal, India.

Read also

Mariel Padilla sa tunay niyang pangalan: "Tini-tease nila ako 'Erlinda pengeng tubig'"

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Ngayon, masaya silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak na babaeng sina Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Kamakailan, nag-viral din ang live-selling video ni Mariel na kinaaliwan ng marami. Lalo na nang malaman ng mga netizens na ito ay bilang pagsuporta ng aktres sa kandidatura ng kanyang mister na si Robin sa pagka-senador noong nakaraang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel