Regine Velasquez, napagkamalan ni Darla bilang si 'Juliana'

Regine Velasquez, napagkamalan ni Darla bilang si 'Juliana'

- Kinaaliwan ang video kung saan hinawakan ni Darla Sauler ang buhok ni Regine Velasquez na nakatalikod

- Kulot ang buhok ni Miss Reg sa naturang video kaya napagkamalan daw niyang si Juliana ito

- Pabiro namang sinabi ni Regine na magpapagupit muna siya habang si Kim naman ay humingi ng pasensiya na nadamay pa raw ito

- Ang tinutukoy na Juliana ni Darla ay ang ginagampanang role ni Kim sa seryeng "Linlang" na talaga namang pinanggigigilan ng marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ni Darla Sauler kung saan hinawakan niya ang kulot na buhok ni Regine Velasquez. Ani Darla, napagkamalan niyang si Juliana ang Asia's Songbird.

Regine Velasquez, napagkamalan ni Darla bilang si 'Juliana'
Regine Velasquez, napagkamalan ni Darla bilang si 'Juliana' (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Natawa naman si Darla at sabay nag-sorry kay Regine. Maging si Kim ay nag-sorry dahil aniya ay nadamay pa ito. Pabiro namang hirit ni Regine na magpapagupit na daw muna siya.

Read also

Alex Gonzaga, sinabing blessed siya sa mister: "A husband who will cover the pain he is feeling"

Ang tinutukoy na Juliana ni Darla ay ang ginagampanang role ni Kim sa seryeng Linlang. Patok ito sa manonood ng Prime video at kasalukuyang namamayagpag kahit maging sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kinaaliwan ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel