Angillyn Gorens kay Sachzna Laparan: "Tawa ka now iiyak ka later"
- Binahagi ni Angillyn Gorens ang post ng kapatid niyang si Veybillyn Gorens kung saan inilabas niya ang sama ng loov laban kay Sachzna Laparan
- Ani Angillyn, kahit pa ito na ang may pagkakamali ay hindi man lang ito humingi ng dispensa
- Dagdag pa niya, nawa ay hindi mangyari sa kanya ang post partum depression kapag siya na ang maging isang nanay
- Si Angillyn ang dating partner ni Buboy Villar at kapatid niya ang kasalukuyang karelasyon ni Jomar Lovena na dating ka-tandem ni Sachzna sa mga vlogs niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinuna ni Angillyn Gorens ang naging reaksiyon ni Sachzna Laparan matapos ang kanilang sagutan ni Veybillyn Gorens, kapatid ni Angillyn at kasalukuyang karelasyon ni Jomar Lovena. Ani Angillyn, kahit pa ito na ang may pagkakamali ay hindi man lang ito humingi ng dispensa.
Binahagi ni Angillyn ang post ni Veybillyn na burado na sa kasalukuyan kaugnay sa kanyang saloobin sa naging sagutan nila ni Sachzna.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ani Angillyn, nawa ay hindi mangyari sa kanya ang post partum depression kapag siya na ang maging isang nanay.
The fact that she’s wrong but she’s the one who won’t back down and apologize lol. I petty her and her whole soul. Hopefully when she becomes a mom karma won’t bite her in the as* and experience “postpartum depression” Tawa ka now iiyak ka later
Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).
Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.
Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh