Gigi De Lana, sinabing nakaidlip umano ang driver ng van nang sila'y maaksidente

Gigi De Lana, sinabing nakaidlip umano ang driver ng van nang sila'y maaksidente

- Idinetalye na ni Gigi De Lana kung ano ang naging sanhi ng kanilang aksidente kamakailan

- Aniya, galing silang Baler nang magdesisyon na dumiretso na nang Ilocos para sa susunod na gig

- Nakakausap at nakikipagkantahan pa ang driver nila kaya kampante pa siyang matulog sa biyahe

- Bagama't nakapagpreno, laking gulat nilang sumalpok na lamang ang kanilang sinasakyan sa truck na nasa unahan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak ng panayam si Gigi De Lana kina Tintin at Julius Babao kaugnay ng sinapit niyang aksidente sa Ilocos kamakailan.

Gigi De Lana, sinabing nakaidlip umano ang driver ng van nang sila'y maaksidente
Gigi De Lana (Gigi De Lana and The Gigi Vibes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na doon, sinabi ni Gigi na nakahiga siya sa sasakyan nang mangyari ito dahilan para mabugbog nang husto ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan na halos tumilapon sa driver's seat.

Inamin din ni Gigi na nakaidlip umano ang driver nila na nakikipagkantahan pa sa kanyang mga kasama ilang segundo bago ang aksidente.

Read also

Gigi De Lana, idinetalye ang pagkahilo sa stage: "Hindi ko na po talaga kinaya"

"Ganito daw po kasi 'yung nangyari, kasi po dapat bibiyahe kami ng 6am. Kaso we all decided na after nung show namin sa Baler, we decided to go na agad papuntang Ilocos. So nung nangyari po 'yung incident, yung kasama po namin na si MJ, 'yung assistant namin... kausap pa po nila si Josh. So habang kausap nila si Josh, kumakanta pa parang a few seconds later, parang nakaidlip. Pero hindi alam nung assistant namin na isa na gising na nakaidlip. Kasi wala po talaga kaming kasalubong na sasakyan at all. So akala niya iihi lang or itatabi lang yung sasakyan, magpapahinga. E hindi po tumigil 'yung van. So sumigaw na po si MJ napagpreno naman po si Josh kahit papaano tapos nabangga po namin 'yung truck, ganun po 'yung nangyari"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

MC, inaming nagbayad umano ng Php1 million na utang ng ex-BF kay Chad Kinis

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Gigi mula sa Julius Babao Unplugged YouTube channel:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay sa social media si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel