Toni Fowler kay Moira: "Tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga"

Toni Fowler kay Moira: "Tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga"

- Kinaaliwan si Moira dela Torre kamakailan sa kanyang post kung saan binaggit niya sa caption ang linya mula sa kontrobersiyal na kanta ni Toni Fowler

- Kasabay nito ay isang netizen ang nagsabing baka maunahan pa siya ni Moira na magka Iphone 14 na siyang pinamimigay ni Toni Fowler sa mga netizens na gumagawa ng content gamit ang kanyang kantang MPL

- Sinagot ito ni Moira at sinabing ubos na daw yata ang Iphone 14 ni Toni

- Hirit naman ni Toni, meron pa daw siyang natira na tatlo ang camera para daw makita ni Moira ang tunay niyang halaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Toni Fowler ay sumagot sa post ni Moira dela Torre gamit ang isang linya ng kanta ni Toni na MPL. Ayon kay Toni meron siyang natirang phone na tatlo ang camera para daw makita ni Moira ang tunay niyang halaga.

Read also

Tuesday Vargas, nagbahagi ng picture kasama si Michael V: "Kuya tabi, ako na"

Toni Fowler kay Moira: "Tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga"
Toni Fowler kay Moira: "Tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga" (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Isang netizen ang nagkomento sa post ni Moira na nagsabing baka maunahan pa siya ni Moira na magkaroon ng Iphone 14.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang tinutukoy nito ay ang pamimigay ni Toni Fowler ng Iphone 14 sa mga netizens na gumagawa ng nakakaaliw na content gamit ang kanyang kanta na talaga namang naging usap-usapan.

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Read also

Christian Bables, kasama si Jennica Garcia sa pagdiwang ng Mother's Day

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate